Nakakaiyak! Grade 3 student, bitbit ang kapatid niyang 'PWD' wag lang siyang umabsent sa eskwela

Nakakaiyak! Grade 3 student, bitbit ang kapatid niyang 'PWD' wag lang siyang umabsent sa eskwela

- Nagviral ang larawan ng isang estudyante ng Grade kung saan bitbit niya sa klase ang kanyang kapatid sa kanyang klase

- Disabled ang apat na taong gulang na kapatid ng estudyanteng si Alexis at inabanduna pa sila ng kanilang iresponsableng mga magulang

- Ayaw lumiban sa klase si Alexis kaya naman kahit nahihirapan, di niya magawang iwan ang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naantig sa isang post kung saan binahagi ang larawan ni Alexis, isang batang nasa ikatlong baitang na dala dala ang kanyang kapatid sa eskwelahan.

Napag-alaman ng KAMI na disabled ang kapatid ni Alexis na si AJ, apat na taong gulang kaya naman di ito magawang iwan ni Alexis.

Ang masaklap pa sa kanilang sitwasyon, inabanduna na sila ng mga iresponsable nilang magulang kaya naman talagang binibitbit ni Alexis ang kapatid sa pagpasok niya sa paaralan.

Di makatayo o makaupo manlang ni AJ kaya naman halos buong araw itong karga ng kanyang kuya.

Ayaw lumiban sa klase ni Alexis, kaya naman kahit di niya aminin na nahihirapan siyang bitbit ang nakakabatang kapatid, bakas naman at pagmamalasakit niya rito.

Kaya naman sa basbas na rin ng punongguro ng kanilang paaralan, tinutulungan ng mga guro ang magkapatid na maitawid nila ang pang-araw araw nilang buhay.

Sa pinakikitang determinasyon ni Alexis na makatapos ng pag-aaral, malaki ang posibilidad na malayo ang maraarting nito at kung mangyari man iyon, magkakaroon na sila ng maginhawang buhay magkapatid.

Samantala, walang ibang hiling ang mga netizens kundi matulungan ang magkapatid.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mas naaawa aq s sitwasyon ng kuya.. sa kabila ng hirap n pinadadaanan nya at pgpasan s kpatid nya nkkuha nlng nyang ingiti ang lhat super proud aq sau bata isa kang dakila at butihing kuya..may mararating ka i pray to god na gabayan kau at mapabuti.. ingatan nyo po cla Lord..."

"God bless u nak... Sana matulungan cla at laging may gumabay sa kanila lalo na sa maliit na bata... Need medical attention.... Ang galing mo kuya..patnubayan k nawa ng panginoon."

"Wala akong kayamanan o sapat n pera para tulungan kayo dahil akoy kumakayod lng din para sa mga anak ko at sapat lng para sa amin mag iina.... Ang tanging magagawa ko lng ay ang magdasal para sa kaligtasan nyo magkapatid, tulungan kayo ng mga taong may ginintuang puso at maging maayos ang pamumuhay nyo habang buhay..."

"kuya napaka buti mopo wag ka po susuko sa buhay mo god bless you po kuya patuloy mo lang yan makakapagtapos ka the best ka po mag dasal kalang hnd kayo papayaan ni lord"

"grabe nakakadurog ng puso..pero khit ganun kalagayan nya kitang kita parin sa mukha nya ang sayang nraramdaman dahil nakakapagpatuloy sa pag aaral..sana mabigyang pansin ng lokal na pamahalaan ang tulad ng ganyang bata.."

The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel