Robin Padilla, ayaw ng magka-anak pa ulit sila ni Mariel Rodriguez

Robin Padilla, ayaw ng magka-anak pa ulit sila ni Mariel Rodriguez

- Mayroong isang anak si Robin Padilla sa asawa niyang si Mariel Rodriguez

- Ayon kay Robin, wala na silang balak magkaroon ng pangalawang anak

- Ipinaliwanag ng action star na mahirap kasi mag-buntis si Mariel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsang sinagot ni Robin Padilla ang tanong kung may plano pa ba sila ni Mariel Rodriguez Padilla na magkaroon ulit ng anak.

Nalaman ng KAMI na wala na silang balak mag-anak pa.

Ayon sa panayam ni Robin sa PUSH, ayaw na raw niyang mabuntis pa ulit si Mariel dahil hirap mag-buntis ang kaniyang asawa.

“Wala. Wala. Kawawa naman si Mariel.

“Hindi naman siya pang ganun, eh. Hirap siyang magbuntis, eh. Hindi siya ano, yung paanakin na puwede mong anakan nang anakan.

“Si Mariel, ang daming ineksyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako, ang dami ko ng anak. Saka kawawa talaga si Mariel,” paliwanag ni Robin.

Pabiro pang sinabi ng action star: “Akala ko nga nagkaroon ng sakit sa puso, eh. Tumaba dahil hindi gumagalaw. Hindi makapag-peform. Ha-ha-ha!”

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

Javen eats worms… Not all the time, of course. But in this episode, this brave guy from the Philippines will do it! And that’s not all! His today’s menu also includes weaver ants. How do you think, he will win this game or lose it? We are betting on this guy! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Flight attendant, sibak sa trabaho matapos mag-propose ng nobyo nito sa flight

Flight attendant, sibak sa trabaho matapos mag-propose ng nobyo nito sa flight

Flight attendant, sibak sa trabaho matapos mag-propose ng nobyo nito sa flight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel