Pasahero ng Grab, naantig sa kabutihan ng matandang driver at binigyan pa siya ng munting regalo bago bumaba

Pasahero ng Grab, naantig sa kabutihan ng matandang driver at binigyan pa siya ng munting regalo bago bumaba

- Binahagi ng isang netizen na nagngangalang Arabella Felix ang nakaka-inspire na karanasan niya sa driver ng Grab

- Sinabi ng driver sa kanya na mas madalas daw itong bumiyahe ng gabi para masiguro na maayos makauwi ang kanyang pasahero

- Lubhang naantig si Arabella sa kabutihan ng driver na si Johnny Ogay Ong at nagbigay pa ito ng munting keychain para sa kanyang pasahero bago ito bumaba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang netizen na si Arabella Felix tungkol sa naging karanasan niya sa pagsakay sa Grab.

Nalaman ng KAMI na ang driver ng Grab na nasakyan niya ay si Johnny Ogay Ong.

Nag-umpisa ang munting pag-uusap nila nang sabihin ni JJohnny na madalas daw siyang magbiyahe sa gabi.

"Alam mo maam sa gabi talaga ako bumabyahe," pag-uumpisa ni Johnny. Buong pag-aakala ni Arabella ang dahilan ng pagbiyahe ng driver sa gabi ay para makaiwas sa traffic, laking gulat na lang niya nang malaman niya ang sagot.

"hmm yeah, but actually more of para mahatid ko safely yung mga taong late na umuuwi," sagot ng driver na ikinamangha ng kanyang pasahero.

Dagdag pa ni Johnny, pagkababa ng pasahero, sinisiguro niyang maayos itong nakauwi sa kanilang tahanan. "Ihinatid mo na nalang din, ano ba yung 2mins na magintay ka," paliwanang ni Johnny.

Dahil sa sinabing ito ng driver, labis na naantig si Arabella sapagkat bihira na talaga ang mga driver na may tunay na malasakit sa kanilang mga pasahero.

Di lang iyon, bago pa bumaba si Arabella, inabutan pa sya ng munting regalo ni Johnny na isang keychain.

Labis itong kinatuwa ni Arabella bilang isang pasahero kaya naman binahagi niya ang magandang karanasan niyang ito sa kanyang facebook para malaman ng mga tao na mayroon pa namang mga driver na mabubuti ang kalooban gaya ni Mang Johnny.

The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel