Mag-asawang OFW, binahagi ang itsura ng kasalang nagkakahalaga na ng 1 milyong piso

Mag-asawang OFW, binahagi ang itsura ng kasalang nagkakahalaga na ng 1 milyong piso

- Binahagi ng ngayong mag-asawa nang sina Richard Gomez Leslie Huelar kung ano ang itsura ng kasalan sa panahon ngayon na nagkakahalaga ng 1 milyon

- Parehong OFW sina Richard at Leslie sa Singapore at pinaghandaan talaga nila ang kanilang pag-iisang dibdib

- Mula sa mga araw ng pagpa-plano at paghahanda, hanggang sa mismong araw ng kasal, bawat detalye nito ay di nila tinipid kaya sulit naman daw ang lahat ng nagastos nila sa kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na ngayong nauusong kanya kanyang gimik sa pagpapakasal. Sadyang dapat talaga itong paghandaan dahil pamahal ng pamahal na rin ang presyo ng mga bagay sa ngayon.

Gaya na lamang ng kasalan ng OFW na sina Richard Gomez at Leslie Huelar na parehong nagtatrabaho sa Singapore.

Nalaman ng KAMI na talagang pinagplanuhan at pinaghandaan ng dalawang OFW na ito ang napakahalagang araw nila bilang magkasintahan noon.

At dahil espesyal ang araw na ito sa kanila, handa silang gastusan ito.

Ayon sa iJuander ng GMA News, umabot sa 1 milyon ang nagastos nina Richard at Leslie mula sa pagpaplano ng kanilang kasal hanggang sa mismong araw nito.

Bagaman at di na nakiuso sa Pre-nup video o tinatawag ding Save the date video ang dalawa, di naman nila tinipid ang iba pang detalye ng kanilang kasal.

Gumastos ng 40,000PHP ang dalawa para sa kanilang wedding ring ganundin sa napaka-eleganteng gown ni Leslia na nagkakahalaga ng 40,000PHP.

Dahil gusto ni Leslie na pinakamagandang babae sa araw na iyon, umabot din sa 40,000PHP ang halaga ng hair and make-up niya kasama na rin ang pagpapaayos ng lahat ng babaeng abay.

At para di naman haggard sa mismong araw ng kasal ang dalawa, kumuha na rin sila ng wedding coordinator na siyang mag-iintindi ng iba't ibang detalye ng kanilang kasal. Gumastos sila ng 25,000PHP para dito.

At siymepre, dahil gusto nilang magkaroon ng maayos at magandang memorabilia na larawan at video ng kanilang kasal, kumuha na rin sila ng ilang photographers at videographers para makunan ang mahahalagang bahagi ng kanilang kasal.

Higit sa lahat, ang may pinakamalaking halaga na nilaan ang dalawa ay para sa wedding reception kung saan magpapakain sila ng halos 150 na mga panauhin. Umabot sa 200,000 ang halaga ng catering.

Samantala, proud naman daw ang mga magulang nina Richard at Leslie dahil ang lahat ng ginastos ay mula sa mga pinaghirapang pera ng dalawa lamang.

Sulit naman daw ang lahat ng pagod, sakripisyo at higit sa lahat ay ginastos nina Richard at Leslie.

People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel