Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

- Nagtapos ang kambal na sina Bernise at Denise Catuncan bilang 'Summa cumlaude' sa Batangas State University

- Ulila na sa ama ang dalawa kaya naman mag-isa silang tinaguyod ng kanilang ina

- Inialay nina Bernise at Denise ang kanilang tagumpay sa yumao na nilang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang isa kundi dalawang tagumpay ang natamo ng pamilyang Catuncan dahil sa pagtatapos ng kambal na sina Bernise at Denise bilang Summa cumlaude ng kanilang klase.

Nalaman ng KAMI na parehong nagtapos ng kursong BS Accountancy ang dalawa sa Batangas State University.

Super proud naman ang kanilang ina na mag-isang nagtaguyod sa kambal.

Ulila na pala sa ama sina Bernise at Denise ngunit naging inspirasyon pa rin nila ang kanilang tatay sa pagtanggap nila ngayon ng tagumpay.

"Alam kong happy ka diyan sa heaven...miss na miss ka na namin," mensahe ni Denise sa ama.

"Papa, para sa'yo lahat ng na-achieve namin," sabi pa ni Bernise.

Alam daw ng kambal ang hirap at sakripisyo ng kanilang ina para sa kanilang magkapatid kaya naman sinabayan nila ito ng pagsusumikap sa pag-aaral.

"Sobrang hirap po talaga, dumadating po kami sa point na mangungutang tapos 'yon, as in umaasa po kami sa scholarship," kwento ni Denise.

Ang dalawa ay sabay na ring maghahanda para sa CPA board exam sa Oktubre.

If you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home! Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel