Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

- Sinundo pa ni Kris Aquino si Erich Gonzales sa Bulacan dahil sinugod daw ito sa ospital

- Nasa taping noon si Erich ng Blood Sisters at nagboluntaryo si Kris na iuwii si Erich para doon maalagaan niya raw ito kasabay ng may sakit din na anak nitong si Josh

- Parang tunay na anak ang turing ni Kris kay Erich na sinasabi pa niyang kanyang 'panganay'

Sa kanyang instagram post, binahagi ni Kris Aquino ang larawan ni Erich Gonzales na nasa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nalaman ng KAMI na mula sa kanyag taping ng Blood Sisters, sinugod ang aktres sa ospital dahil sa severe asthma.

Ayon sa ABS-CBN news, sumugod pa talaga si Kris sa Bulacan na location ng taping ni Erich para sunduin ito.

Nagboluntaryo na si Kris na alagaan ang bida ng Blood Sisters kaya naman isinama na niya ito sa kanilang bahay.

Patulog na raw siya nang matanggap niya ang mensahe ni Erich na inatake na naman ito ng hika.

Kwento pa ni Kris, pati ang panganay niyang si Josh ay may sakit din kaya naman mas mabuti raw na sabay niyang maalagaan ang dalawa.

Nagpatawag pa diumano ang Queen of all media ng doctor sa kanilang bahay para matingnan muli si Erich.

Sa isa pang post na binahagi ni Kris, mukhang bumuti naman na ang pakiramdam ni Erich at doon pa mismo ito sa kama nina Kris at Bimby natulog.

Parang tunay na anak na talaga ang turing ni kay Erich kaya naman ganun na lamang ang pag-aalaga nito sa aktres.

Si Erich ang gumaganap bilang triplets na sina Erika, Carrie at Agatha sa teleseryeng The Blood Sisters.

Watching it, you can learn some basic poses and tips. Are you ready? Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise

Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise

Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel