Lola na naka-oxygen na, nahulihan diumano ng pinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso

Lola na naka-oxygen na, nahulihan diumano ng pinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso

- Isang 82 taong gulang na lola ay nahulihan diumano ng shabu na nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso

- Inaresto ang matandang si Estelita "Nanay" Andal kasama sina Danilo "Kalbo" Ramos, 32, at Circoncicion "Mamira" Andal, 59 sa Rizal Avenue, Batangas City

- Sila diumano ang mga pangunahing nagsusupply ng ipanagbabawal na gamot sa Batangas City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinong nga naman ang mag-aakala na isang 82 anyos na lola na may oxygen support pa ay isa sa mga pangunahing suspek sa pagtutulak ng droga sa Batangas City.

Nalaman ng KAMI na isa lamang si Estelita "Nanay" Andal sa mga nagsu-supply ng droga sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, kasama ni 'Nanay' Estelita sina Danilo "Kalbo" Ramos, 32, at Circoncicion "Mamita" Andal, 59 sa kanilang lumang bahay sa Rizal Avenue, Batangas City.

Base sa report ng GMA News, ang tatlo ay inaresto at ayon sa mga pulis, kasama sa 'drama' nila ang pagkukunwaring may sakit sila na nakatira sa isang lumang bahay para raw di halata.

"Ang ginagawa nilang cover kunwari may sakit sila, 'yung bahay nila 'yung old house para hindi halata. Disimulado 'yung kanilang droga business for several years," salasay ng provincial director ng Batangas PDO, Police Senior Superintendent Edward Quilates.

Sa kabila ng mga ebidensya, mariing itinanggi ng 82 anyos na matanda ang mga alegasyon sa kanya.

"'Yun eh may nagdala, ipinahabilin at kukuhanin daw kagabi. Pag po nagpapahabilin sa akin at kinukuha ulit eh binibigyan ho ako ng pera," paliwanag ni Lola Estelita.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

May hawak na ang mga pulis na mabigat na ebidensya kung saan may ilang text message ng negosasyon kung saan kasabwat daw ang matanda.

Inaalam pa kung sino ang supplier ng matanda at saan nila ito kinukuha.

"May hawak ka na shabu, definitely may mas malaking pinanggagalingan baka may ibang negosyanteng involved diyan sa droga. Siguro darating ang panahon makakapa din kayo ng kapulisan," ani Police Chief Superintendent Edward Carranza, regional director ng PRO-4A.

Sadyang nakaalarma ang mga ganitong pangyayari kung saan di mo talaga aakalain na isang matanda na halos nakaratay na ay masasabwat pa sa ganito kalaking transaksyon ng iligal na droga.

The new Philippine challenge is already on HumanMeter. Today we have prepared a new task for passers-by. The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel