Nakakaalarma! Kademonyohan ng ama sa anak, natuklasan dahil sa matapang na babae sa bus

Nakakaalarma! Kademonyohan ng ama sa anak, natuklasan dahil sa matapang na babae sa bus

- Isang nakakapanlumong rebelasyon ang naganap nang isinumbong ng isang babae ang kabastusan na ginawa sa kanya ng isang lalaki nang sila ay nasa bus

- Nagmakaawa pa ang lalaki na wag nang magsumbong sa pulis dahil mayroon diumano siyang anak na inaalagaan

- Di mawari ng babae kumbakit pa niya tinuloy ang reklamo at doon natuklasan ang nakasusuklam na ginagawa ng 'ama' na ito sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakbahala na talaga ang mga kaganapan ngayon sa ating lipunan maging sa tinatawag nating pamilya.

Sadyang nakalulungkot isipin na mismong sa tinuturing nating 'tahanan' nagaganap ang mga di kanais-nais na pangyayari at mismong kadugo o kapamilya pa ang nakakagawa nito sa kanila.

Gaya na lamang ng isang kwentong naibahagi sa KAMI kung saan isang malaking rebelasyon [a ang naganap bukod sa sana'y inirereklamo ng isang babaeng nahipuan daw ng hita sa bus.

Parang ipinag-adya raw ang mga nangyari na di rin mawari ng babae bakit nagpadala pa siya sa kanyang intuisyon at diniretso pa niya ang pagrereklamo sa pulisya gayung alam niyang maraming maaabalang ibang mga pasahero.

Nagmamakaawa raw ang lalaking ito na gumawa sa kanya ng di maganda na palampasin na lamang ang pangyayari gayung may anak siyang inaalagaan.

Sa presinto, dumating ang tiya at ang batang nagmamakaawa na huwag daw ipakulong ang kanyang 'papa'. Matutunaw na sana ang puso ng babaeng nagreklamo hanggang sa nagkuwento na ang bata ng mga kagimbal gimbal na pangayayari.

Nakakaalarma! Kademonyohan ng ama sa anak, natuklasan dahil sa matapang na babae sa bus
source: supplied

Narito ang kabuuan ng kwentong naibahagi sa KAMI.

Read 'til the end.

Pagod na pagod ako sa trabaho kaya pagkasakay ko sa bus, nakatulog na agad ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong natutulog nang maramdaman ko na may humahaplos sa legs ko. Wala akong katabi nung matulog ako kaya bigla akong kinabahan.

Dahan-dahan 'kong minulat ang mga mata ko at nakita ko nga si Kuya sa tabi ko na hinahaplos ang legs ko.

Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko magawang kumilos. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

'Yung kamay ni Kuya nasa legs ko pa din. Then I don't know. Parang sinapian ako. Biglang lumakas ang loob ko. Kinuha ko yung kamay ni Kuya at pinalipit iyon habang sumisigaw ako.

Nagising yung mga pasahero. Napalapit din sa'min yung kondoktor. Then sinabi ko kung anong ginawa ni Kuyang Manyak. Hawak nung dalawang pasahero si Kuyang Manyak. Habang sinasabi ko na ipapakulong ko siya. I even shouted at the driver na ibaba kami sa tapat ng Police Station since may madadaanan naman.

The conductor and the driver were very kind. Sila pa mismo talaga ang kumausap sa mga ibang pasahero na idadaan nila kami saglit sa presinto to file a complaint. Hanggang sa loob ng presinto sinamahan ako nung driver at kundoktor. Pinauna na silang magbigay ng statements kasi naaantala 'yung byahe nila. Kinausap din nung kundoktor 'yung isang pulis at inihabilin ako before sila umalis.

Si Kuyang Manyak, nagmamakaawa sa'kin. Huwag ko na daw siyang kasuhan. May anak daw siya na kailangan bantayan. Ganito, ganyan. Yung babaeng pulis, napapailing na lang kay Kuya. Ako naman pilit pinapabato ang puso ko.

Habang pinaprocess 'yung reklamo ko. Ipinasok muna nila sa selda si Kuya. Habang naghihintay ako, may dumating na Ale at isang batang babae. Yung bata mga nasa 6 to 8 years old pa lang. Sumesenyas 'yung Ale sa mga pulis. May konting boses na lumalabas sa bibig niya pero hindi ko maintindihan.

Nung pinagmasdan ko 'yung mga hand gestures niya, saka ko lang na-realize na pipi pala siya. So sinabi ko kay Ateng Pulis na pipi 'yung babae. Tapos sinabi ni Ateng kay Kuyang Pulis.Yung bata mangiyak-ngiyak na habang nagtitingin sa paligid. Habang nakatingin sa bata, tinawagan ko yung mga kasama ko sa bahay para sabihin na late na akong makakauwi. Hindi ko na sinabi yung nangyari.

'Tapos nalaman kong anak pala ni Kuyang Manyak 'yung bata, hindi na ako makatingin 'dun sa bata. Feeling ko kasi, any minute ay bibigay ako. Hindi pa naman tapos 'yung process so kapag naawa ako sa bata, malaki ang possibility na iuurong ko ang kaso. So I tried my best na huwag lumingon sa bata kahit na nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa'kin.

"Ikaw ba magpapakulong sa papa ko?" Nagulat na lang ako dahil nasa gilid ko na pala 'yung bata.

"H-Hi! Anong pangalan mo, baby girl?" Pilit kong pinasigla 'yung boses ko. Maluha-luha 'yung bata habang nakatingin sa'kin.

"Huwag mo na papakulong si papa ko, please."

Hindi ko na alam 'yung gagawin ko nang sunud-sunod na tumulo 'yung luha niya. 'Yung mga ibang pulis nakatingin na sa'min.

Pati si Kuyang Pulis na nagtatype napatigil sa ginagawa niya.

Awang-awa ako dun sa bata. Kung makukulong nga naman ang tatay niya, yung tita na lamang niya ang kasama niya 'tapos pipi pa.

Konting-konti na lang talaga, iuurong ko na 'yung demanda.

"Saan ka ba niya hinawakan? Dito? Dito? Dito?" Nagulat ako nung hawakan ng bata ang legs ko, braso, at ituro ang dibdib at pagkababae ko."Hinawakan ka lang, pinapupulis mo na agad? Hindi naman masakit ang hawak!" I was shooookt! Gusto kong sabihin sa bata na, okay ka lang? Binastos ako nung tatay mo. Minanyak ako. Pero naisip ko na bata lang siya. Hindi pa niya naiintindihan.

Nakakaalarma! Kademonyohan ng ama sa anak, natuklasan dahil sa matapang na babae sa bus
source: supplied

Lumakas na ang iyak ng bata. Lumapit na sa'min 'yung Tita niya at inalo 'yung bata.

Gusto ko sanang sabihin dun sa bata na hindi pa kasi niya naiintindihan. Na hindi kasi niya alam 'yung pakiramdam ko.

Pero bago pa ako makapagsalita ulit. Na-shooookt na kaming lahat sa sinabi nung bata.

"Ako nga araw-araw niyang ginagawa 'yon pero hindi ko siya pinapupulis! Hindi naman kayo nagbahay-bahayan diba? Maarte ka lang!"

Sandali. Teka lang. Araw-araw ginagawa sa kanya ng tatay niya 'yon? Ang alin? Yung hawak na sinasabi niya? Anong bahay-bahayan?

Pilit kong kinompose ang sarili ko kahit na bigla akong naguluhan sa sinabi nung bata. Ang lakas ng kabog ng dibdib 'ko.

Feeling ko, lahat ng mga tao sa presinto, nasa bata na 'yung atensyon.

Dahil may kakaibang pakiramdam ako sa sinabi nung bata. Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung anong pagkakaintindi niya doon sa bahay-bahayan.

"Hindi mo alam 'yon? 'Yung ginagawa ng Nanay at Tatay! Karat."

"Ginagawa niyo ba ng Papa mo 'yon?" Tanong ko habang nagpipigil ng luha. Halos hindi ko na din mabigkas yung mga salita.

And her answer broke my heart. As in durog na durog. Pinong-pino.

"Oo. Kasi wala na akong Mama kaya kami na lang ni Papa."

Nagkagulo sa presinto. Kitang-kita ko 'yung galit sa mukha ng mga pulis sa narinig nila. Lumapit 'yung dalawang babaeng pulis sa bata at dun sa tita niya. Narinig ko pa na sinabi nung isang pulis na kakausapin nila ang bata.

Sa mga oras na 'yon. Gusto kong kalimutan na nasa Police Station ako. Gusto kong sugurin si Kuyang Manyak. Hindi ko kaano-ano 'yung bata pero sobrang sakit sa puso.

Paano niya nagawa 'yon sa anak niya?! Kaya pala gan'on na lang ang lumalabas sa bibig nung bata.

The way na sabihin niya 'yung mga words, walang kaabog-abog. Parang normal lang.

Gusto kong magwala. Ang sakit ng puso ko. Ang inosente ng mukha ng bata. Ang inosente ng mga mata niya.

Nung pauwi na ako, saka 'ko lang na-realize, paano na lang kung hindi ako umalma kay Kuyang Manyak? Paano na lang kung mas inintindi ko ang mga pasahero sa bus kanina? Paano na lang kung pinalampas ko na lang ang ginawa ni Kuya? Malalaman kaya namin 'yung ginagawa niya sa anak niya?

Siguro 'yun ang dahilan kung bakit ang lakas ng loob ko kanina. Kung bakit kahit na takot na takot na ako, I still found the strength para umalma kay Kuyang Manyak. Siguro kaya ako ang natyempong makatabi ni Kuya sa Bus para matigil na ang kahayupang ginagawa niya sa sariling anak. Indeed, everything happens for a reason.

BEWARE and BE AWARE. HUWAG MAGBULAG-BULAGAN! GUMAWA NG AKSYON!

People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica