"Thank you" Sagot ni Jodi Sta. Maria sa tanong na kumusta na sila ni Jolo Revilla

"Thank you" Sagot ni Jodi Sta. Maria sa tanong na kumusta na sila ni Jolo Revilla

- Madami ang naglabasan na balita tungkol sa diumano'y hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla.

- Sa balita na nakuha namin sa 'News Sentinel' sinabi nito na sa wakas daw ay nagsalita na si ang 'Sana Dalawa Ang Puso" lead star.

- Pero sa video sa isang press huddle na shinare din ng nasabing media outlet ay ang sinabi lang ni Jodi ng tanungin siya kung kumusat sila ni Jolo Revilla ay "thank you" kaya siguro parang nasabi nila na confirmed an hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-ugat ang mga iba't-ibang spekulasyon o pagdududa sa tunay na relasyon ng dalawa, sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla sa isang Instagram post na shinare ng huli sa kanyang page.

Ito (sa taas na post) ang pinag-uusapan ng online world dahil matalinghaga ang caption ni Jolo Revilla.

Kinilig ang ibang mga netizens pero ang iba naman ay nagduda na baka naghiwalay ang dalawa.

Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, dati-rati daw ang tawag ni Jolo kay Jodi ay 'asawa' at noong January din sa 'Tonight with Boy Abunda' tinawag din ni Jolo si Jodi na 'Love' at noong Valentine's day ay naghashtag pa siya ng 'forever ko.

Pero sa birthday greeting niya ang tawag niya kay Jodi ay 'Jods.'

Kaya naman nagduda na ang mga fans at ang iba ay nalungkot.

Nadagdagan pa ang pagdududa sa Twitter post ni Jolo Revilla.

At kamakailan lang ay nagkaroon ng press huddle si Jodi Sta. Maria sa set daw ng kanyang teleserye at nang patapos na ang kanilang interview, may isang miyembro ng press ang nagtanong kung kumusta ba daw sila ni Jolo Revilla na sinagot lang niya ng "thank you" at doon natapos ang video na shinare ng 'byxbuzz' sa 'YouTube.'

Sinasabi sa ibang balita na nagsalita na si Jodi tungkol dito sa 'Tonight with Boy Abunda' pero noong unang taon pa ang nasabing panayam at wala din namang balita din tungkol dito sa Kapamilya o ABS-CBN News website.

Pero dahil sa sagot ni Jodi ay tila totoo ang mga haka-haka.

At ilang oras lang ang nakakaraan nagpost na naman ng matalinghaga si Jolo Revilla sa Twitter

Unang ni reveal ni Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla ang kanilang relasyon noong 2012 at pagkatapos daw ay naghiwalay sila 4 years after.

At ito nga ay pinaalam ng dalawa sa mga interviews pero kalaunan ay nagreconcile din.

Si Jodi ay dating kasala kay Pampi Lacson na anak ni Senator Panfilo Lacson at mayroon silang anak ang pangalan ay Thirdy bago pa siya nakipagdate kay Jolo.

Bilang mga Pinoy, likas na yata sa atin ang magreact sa nakikita o nababasa natin lalo na sa ating mga paboritong artista at mga showbiz couples.

Speaking of react, may bagong social experiment tungkol sa hindi pagreact sa mga pick-up lines, tingnan kung kakayanin kaya ng ating mga kababayan ang hindi magreact?

Watch more videos on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel