Gusto mag-asawa ng babae! Dating gay beauty queen na si Mark Estephen, pilit na nilalabanan ang temptasyon

Gusto mag-asawa ng babae! Dating gay beauty queen na si Mark Estephen, pilit na nilalabanan ang temptasyon

- Naging usap-usapan ang pagpalit ng pangalan ng dating transgender na si Sabel Gonzales

- Ito ay matapos siyang magdesisyon na gamitin ang tunay niyang pangalan na Mark Estephen

- Nakilala si Sabel Gonzales bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang pagbabalik sa pagiging tunay na lalaki ang dating transgender na si Sabel Gonzales.

Ipinahayag niyang nais niya raw maranasan magkaroon ng asawang babae na tatanggapin siya kung ipagkakaloob ng panginoon. Nais din daw niyang maranasang magkaroon ng anak.

Napagpasyahan niyang maging isang straight guy ulit at gamitin ang tunay niyang pangalan na Mark Estephen.

Matatandaang naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss International Queen noong 2017.

Sa isang panayam na ito ng PUSH, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang desisyon na pagbabago.

“Turning point is when I’m broken, parang hinahanap ko ang tunay na buhay ko, I’m looking for my identity kung sino ba talaga ako,” saad ni Mark.

Ayon pa sa kanyanahirapan siya sa naging desisyon.

"Sa isang iglap magpapagupit ako ng buhok, magdadamit ako ng panlalaki ulit, it's not easy. Every time na nag-pe-pray ako kay Lord, I ask him, 'Lord, is this your desire in my life?

Ipinagpanalangin niyang gabayan siya ng Panginoon sa tamang landas.

Ito ba yung buhay na gusto mo para sa akin?’ Niluhod ko sa Panginoon. Iniyak ko sa Panginoon. 'Lord, alam ko gagabayan mo ako in my journey,' paliwanag niya.

Hindi niya nilayuan ang mga kaibigang nakasama niya bago pa man niya napagpasyahang magpakalalaki.

Nirerespeto parin daw niya ang mga kaibigan anu man ang kanilang kasarian.

"I respect them, because I believe that only Jesus can change people. What we can do is to pray for them, and eventually in the right time na dumating yung punto na tatawagin na sila ni Lord. Sa akin, walang nagsabi na kailangan ka magpakalalaki, kusa na lang na nagdesisyon ako para sa akin."

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | on HumanMeter

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Si Daniel, si Kathryn? Larawan ng dalagang kombinasyon daw ng mukha ng 'Kathniel' pinagkakaguluhan ngayon

Si Daniel, si Kathryn? Larawan ng dalagang kombinasyon daw ng mukha ng 'Kathniel' pinagkakaguluhan ngayon

Si Daniel, si Kathryn? Larawan ng dalagang kombinasyon daw ng mukha ng 'Kathniel' pinagkakaguluhan ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel