Gustong magkaanak! Ice Seguerra, handa nang magkaroon ng katawang 'lalaki'

Gustong magkaanak! Ice Seguerra, handa nang magkaroon ng katawang 'lalaki'

- Di na raw talaga masaya si Ice Seguerra sa katawang pambabae kaya nagdesisyon na siyang magpa-hormone replacement

- Isa sa maari lang niyang panghinayangan ay ang kanyang boses na siyang puhunan rin niya sa showbiz

- Plano na rin nila ng kanyang misis na si Liza Diño na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gaya ng nauna nang ginawa ni Jake Zyrus, nais na rin ni Ice Seguerra na tuluyang magkaron ng katawan ng isang lalaki.

Nalaman ng KAMI na nagsimula na pala si Ice sa kanyang hormone replacement therapy dahil hindi na siya maligaya sa kanyang katawang babae.

"It's hard to wake up everyday seeing that you are in this body and alam mo na hindi naman ito dapat iyon," paliwanag ni Ice sa panayam sa kanya sa Tonight with Boy Abunda.

Kwento pa ni Ice, bahagyang nag-aalala lamang siya sa kanyang boses ngunit naniniwala itong maganda pa rin naman ito.

"Siguro naman iyong ganda ng boses ay hindi mag-iiba. It's just that bababa lang siya ng kaunti."

Samantala, nabanggit din ni Ice na plano nilang mag-asawa na magkaroon ng anak.

Ito ay sa pamamaraan ng In-vitro Fertilization at si Liza pa rin ang magdadalang tao.

"Plano talaga naming mag-IVF"

"Iha-harvest yung eggs ko tapos pag na-inseminate na siya ng sperm na sperm donor, ipa-plant na siya kay Liza, hopefully makabuo" kwento ni Ice.

Disyembre ng nakaraang taon nang nagsimula si Ice na gamitin ang oangalang 'Ice' at hindi na ang Aiza.

"As time goes by, alam mo iyon kapag tinatawag kang Aiza ay parang hindi na ikaw iyon,'paliwanag niya.

Tatlong taon nang kasal sina Ice at Liza at masaya ito na suportado ng kanyang misis ang desisyon niyang tuluyang magkaroon ng katawang lalaki.

Watching it, you can learn some basic poses and tips. Are you ready? Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel