Selfie pa more! Bong Revilla, nakumpiskahan ng cellphone dahil sa kanyang Facebook post

Selfie pa more! Bong Revilla, nakumpiskahan ng cellphone dahil sa kanyang Facebook post

- Nagbahagi ng isang selfie ang Facebook account na di umano ay pag-aari ni dating senador Bong Revilla Jr.

- Dahil dito, na kompiska ng mga pulis ang kanyang cellphone

- Binura na ang nasabing post ngunit marami ang nakakuha ng kopya ng screenshots nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa paggunita ng kanyang ika-apat na taon na nakakulong, nagbahagi ng isang mahabang post ang isang Facebook account na diumano'y pag-aari ni dating senador Bong Revilla.

Sa kanyang selfie, ay ibinahagi nito ang kanyang hinanakit tungkol sa mga oras na nasayang na hindi niya nakasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Tila pagod na siya sa kanyang pagkakakulong sa kasalanang diumano'y di niya ginawa.

“Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na mangibabaw na ang katotohanan." saad niya.

Nakapiit ang dating senador sa isang specific section sa loob ng Custodial Center compound.

Kagaya ng ibang piitan, ang Custodial Center ay nagbabawal sa mga nakapiit dito na magkaroon ng sariling cellphone at hindi din sila pinapayagang makagamit ng internet. Kahit ang mga dalaw ay kailangan magsuko ng kanilang mga cellphones bago makapasok.

Selfie pa more! Bong Revilla, nakumpiskahan ng cellphone dahil sa kanyang Facebook post

Via Facebook: Bong Revilla Jr.

“An investigation is being conducted by HSS to determine the circumstances surrounding that apparent breach of regulations despite at least twice a week of unannounced inspections of all the cell blocks. The ax will fall where it should the moment an investigation clearly established culpability of any personnel,” saad ng Philippine National Police (PNP) spokesman na si Senior Superintendent Benigno Durana.

Dahil sa kanyang post ay nabuking ng pulisya na meron siyang cellphone kaya kinumpiska ito ilang oras matapos ibahagi ang kanyang selfie.

Si Ramon Bong Revilla ay dating artista na pinasok ang pulitika. Naging bida siya ng mga pelikulang Ang Panday at gumanap bilang pulis ng ilang beses sa telebisyon. Naaresto siya apat na taon na ang nakaraan matapos siyang madawit sa pork barrel scam.

Inakusahang nagbulsa sa milyon-milyong public funds sa pamamagitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund.

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | on HumanMeter

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel