Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'Mental Health Law'

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'Mental Health Law'

- Sa ilalim ng Republic Act 11036 tungkol sa Mental Health Law, mapagkakalooban daw ng batas na ito ang mas abot-kaya at mas mabilis na serbisyo ng mga Filipino na nakakaranas ng mental health problems.

- Ang nasabing balita ng paglagda ng presidente sa naturang batas ay inanunsyo umano ni Senator Risa Hontiveros.

- Dahil ang huli ang 'author at principal sponsor ng Mental Health Law,' at pinuri ng senadora ang pangulo sa pagpapatupad nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laman nga ng mga news headlines ngayon ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mental Health Law na ang layunin ay ay maprotektahan ang karapatan ng mga Filipino na may mental health needs at pati na din ng mga mental health professionals, ayon pa kay Senator Risa Hontiveros.

Napag-alaman din ng KAMI na si Senate President Vicente Sotto III at ang mga senador na sina Antonio Trillanes, Joel Villanueva, Loren Legarda, Paolo Benigno Aquino IV, at Sonny Angara ang mga co-author ng nasabing batas.

Dagdag pa ng balita na nakuha namin sa Rappler at sa ibang news outlets na ibababa din daw sa barangay level ang mga serbisyo na nakapaloob sa nasabing mental health law.

At magkakaroon din daw ng mental health education sa mga paaralan at sa mga kumpanya sa pagpapatuloy ng balita.

Ayon sa datos ng 'World Health Organizaion (WHO),' noong 2012 daw ay mayroong mahigit sa dalawang libong kaso ng mga Filipino ang napakamatay umano o average ng seven na tao kada araw, dugtong sa balita.

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas.

At kauna-uanahan na galling sa Mindanao.

Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

POPULAR: Read more news about Rodrigo Duterte here

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin