Top 7! Pinay celebrities nakadate ng mga sikat na manlalaro sa basketball

Top 7! Pinay celebrities nakadate ng mga sikat na manlalaro sa basketball

- Ito ang listahan ng pitong Pinay celebrities na nakadate ang mga sikat na manlalaro sa basketball at ang iba sa kanila ay nagkatuluyan at may pamilya na.

- Unang binahagi ang nasabing listahan ng 'PEP' na nakita naman namin sa 'Pilipino Scoop,' at nakakainlove malaman at makita ang mga taong in love.

- Kaya ngayon silipin natin ang top 7 na ito na nakita ng KAMI at kiligin at sariwain ang tamis ng pagmamahalan ng mga pares na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalimitan, karamihan ng mga tao pumapasok sa isang relasyon kasama ang ibang tao na pareha ang mga interests nila.

Mahirap na gumastos ng labis na oras sa isang tao na hindi nauunawaan ang mga bagay na gusto mo.

Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga kapareha na maglaan ng oras para alamin o kilalanin ng maigi ang kanilang mga boyfriend o girlfriend.

At nagbibigay talaga ng oras para isa't isa at hindi pinapayagan na ang kanilang mga trabaho na sirain o guluhin ang kanilang pagmamahalan.

Kagaya ng mga Pinay celebrities na ito na nakikipagdate ng basketball players.

Sila ang nagpapatunay na ang tunay na pagmamahal ay posible sa dalawang taong magkaiba ang karera o gusto.

7. RR Enriquez at Jayjay Helterbrand

Nag-umpisa daw magdate ang TV host at komedyanteng si RR Enriquez at ang dating Barangay Ginebra San Miguel player na si Jajay Helterbrand noong 2006.

At lumipas ang labindalawang taon ay masaya at malakas pa rin ang pagsasamahan nila.

6. Denise Laurel at Sol Mercado

Gin King Sol Mercado ay na engaged noong 2013 pero ginulat nila ang kanilang mga fans ng napabalitang naghiwalay ang dalawa pagkatapos ng tatlong taong engagement noong 2016.

Pero kamakailan lang ay nagkabalikan na sila at tila masayang masaya sila sa isa't isa sa mga latest Instgram post ni Denise.

5. Bianca Gonzalez at JC Intal

Sino ang makakalimut sa nagviral na video ng proposal ng manlalaro ng Phoenix Fuelmasters na si JC Intal sa airport sa kanyang girlfriend na asawa na ngayong si Bianca Gonzalez noong 2014?

Sa parehong taon ay nagpakasal ang dalawa, at ngayon, ay buntis si Bianca sa kanilang 2nd baby.

4. Jeck Conwi and Rico Maierhofer

Ang dating host ng programa sa TV5 na "Happy Life, Happy Wife" ay kasala na ngayon sa Filipino-Austrian na manlalaro ng San Miguel Alab Pilipinas.

3. Danica Sotto at Marc Pingris

Nagdate sina Danica at Marc Pingris ng limang taon bago pa sila nagpakasal noong 2008.

Ngayon, ang mag-asawa ay mayroong dalawang anak.

2. Chesca Garcia at Doug Kramer

Ang pamilya nina Chesca at Doug ang isa sa pinakasikat na mag-asawa na celebrity na maraming mga followers at talagang sumikat sa social media pati ang kanilang mga anak ay mga sikat.

1. LJ Moreno at Jimmy Alapag

Ang dalawa ay nagpakasal noong 2010 at ngayon ay mayroon na silang mga anak at binabahagi din naman nila ang kanilang mga family pictures sa Instagram.

At dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel