"Mixed emotions" tugon ni Jeff Chan sa pagkakatrade niya sa Barangay Ginebra

"Mixed emotions" tugon ni Jeff Chan sa pagkakatrade niya sa Barangay Ginebra

- Noong Lunes nga, ay inanunsyo ng PBA na ang 'Phoenix Fuel Masters' traded Jeff Chan sa Barangay Ginebra.

- Ayon naman daw ng Phoenix, ginawa nila ito para kapalit daw ng first-round draft pick ng Gin Kings sa 2018 PBA Rookie Draft.

- At ngayon ay naglabas na nga ng reaksyon ang beteranong PBA shooting guard sa pagkakatrade niya sa Gin Kings.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Alam ng beteranong shooting guard ng PBA na may dagdag na presyon para sa Barangay Ginebra, ngunit nangangako na maging handa sa pag-ambag kapag siya ay naglalaro ng kanyang unang laro bilang isang Gin King laban sa Columbian Dyip.

Ngunit alam naman ng lahat na ang trades ay parte sa buhay ng professional basketball player kaya naman nag move forward na si Jeff Chan kung saan ay makakasama niya ulit sina LA Tenorio at Japeth Aguilar na mga dating ka Gilas teammates niya.

Sabi niya sa panayam ng ESPN5, ayon sa 'News Sentinel' na "mixed emotions daw siya dahil iiwan na niya ang Phoenix.

Nagkaroon na daw sila ng magandang samahan ngunit, at the same time, masaya daw siya kasi maglalaro siya para sa Ginebra na alam naman daw ng lahat na kilalang team sa PBA.

Noong Martes daw ang una niyang practice kasama ang bagong team.

Saad daw niya na susubukan niya umano na tanungin ang mga coaches kung ano ang kailangan niyang matutuhan at pagkatapos ay sisikapin niyang pag-aralan ang kanilang mga paraan sa defense, kahit na sa tingin niya daw ay hindi naman daw ito marahil kumplikado.

Pero nalaman ng KAMI sa 'ESPN5' Facebook page mismo na tila daw hindi inaasahan ng mga fans ang laro na iniexpect nila kay Jeff Chan pero bumwelta naman si Tim Cone at sinabi na malaki daw ang impact na nagawa ng beteranong manlalaro.

Dagdag pa ng coach, na bumilib siya dito dahil sya daw ay "smart veteran" at alam ang "smart passes" at kontrolado maglaro.

Pero pahayag naman ni Jeff Chan noong Lunes, ayon sa sports media outlet kung saan nakita namin ang balita, na sana daw ang mga fans ay hindi mag-expect ng masyado at tingalain siya bilang tagapagligtas para sa koponan dahil alam daw niya na tinutulak ng koponan ang playoffs, ngunit para sa kanya, kahit ano ang maaari niyang gawin upang mag-ambag, gagawin daw niya.

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book

Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book

Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel