Ayaw dating magcross-dress! Kwento ng 'before ang after' na graduation pic, nag-viral sa socmed

Ayaw dating magcross-dress! Kwento ng 'before ang after' na graduation pic, nag-viral sa socmed

- Nag-viral ang tweet ni Micolle Catayas kung saan binahagi niya ang graduation picture noong siya ay high school pa lamang at ngayong nagtapos na siya ng college

- Noon ay ayaw pa ni Micolle o mas kilala na na Mika na magcross-dress, ngunit ngayon ay mas komportable na siyang suot ang damit na pambabae

- Maluwag namang tinanggap ng kanyang pamilya ang kanyang pagbabagong anyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa twitter ang post ni Micolle Catayas kung saan binahagi niya ang larawan niya nang grumadweyt siya ng high school at ngayong nagtapos na siya ng kolehiyo.

Nalaman ng KAMI na noong high school pa si Micolle ay pinilit niya talagang maging 'straight' na lalaki sa paningin ng ibang tao. Ngunit nang tumungtong na siya ng kolehiyo, unti unti na siyang nagpapakatotoo sa kanyang sarili.

Umabot na sa 20,000 likes at 1,000 retweets ang tweet ni Micolle o mas kilala na ngayon na Mika na may caption na "“if you don’t love me at my worst, then you don’t deserve me at my best."

22 taong gulang na si Mika na nagtapos ng kursong architecture mula sa Ateneo de Davao University.

Naisipang niyang i-post ang mga larawan niyang ito para ipakita kung ano ang pinagbago sa loob at labas ng kanyang pagkatao.

“I was really planning to upload these pictures after my board exams but sakto 'yung timing ng ‘if you don’t love me at my worst, then you don’t deserve me at my best,’”ani Mika.

Sa panayam ng ABS-CBN sa kanya, naikwento pa ni MIcolle ang ilang detalye sa desisyon niyang magbago ng anyo.

“We need to learn how to love ourselves and accept ourselves before others can love and accept us,” binahagi niya.

Bata pa lamang daw siya, ramdam na niya ang totoong pagkatao niya ngunit minabuti niyang itago ito.

“I pretended that I had 'girl' crushes to make them see that I was straight but deep inside I would jokingly think that I was prettier than them,” kwento ni Micolle.

Di rin niya noon nakikita ang sarili niya na magdamit babae pero tila nilunok rin niya ang kanyang sinabi.

“I always said that I would never cross-dress because I thought it was disgusting back then but now the tables have turned,” ani Micolle.

“It felt really good to come out and since college didn’t have any hair restrictions, I decided to grow it out,” dagdag pa niya patungkol sa kanyang buhok.

Naalala pa ni Mika noong debut ng kanyang kung saan siya ang babae at ang kapatid niyang babae ang lalaki.

“And everyone was cheering 'Go Mika!' So I guess nasagip na ng signal nila na dumadalaga na ako,” kwento niya.

Ngayong graduate na siya, nangangarap naman na magkaroon ng sariling architectural firm.

“I thought to myself, 'Bakla ka, you need to prove na may pakinabang ka sa lipunan, be a living proof that gender has nothing to do with one’s capabilities, especially in the field of construction that is predominately masculine,” pahayag ni Micolle.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel