Kris Aquino may bigating 'Just-Kris League' Kilalanin sinu-sino sila!

Kris Aquino may bigating 'Just-Kris League' Kilalanin sinu-sino sila!

- Sa panayam ng 'Queen of All Media' sa press sa media huddle pagkatapos ng press conference niya para sa upcoming movie niya na "I Love You, Hater" kasama ang JoshLia ay isiniwalat niya ang masasabi niyang tunay na mga kaibigan sa showbiz.

- Hindi lingid sa buong bayan ang away at banatan na naganap sa kanila ni Mocha Uson at dahil dito ay tinanong ng press kung sinu-sino sa kanyang mga showbiz friends ang nanatili at sumuporta sa kanya.

- At ito naman ay pinangalanan ng 'Star Cinema' sa 'ABS-CBN' website kung saan lumabas ang balitang ito na 'Just-Kris League.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaya ngayon ating kilalanin kung sinu-sino sa mga kaibigan sa showbiz ang masasabi ni Kris Aquino na tunay na mga kaibigan.

Nakita din ng KAMI ang naturang video kung saan ito sinabi ng 'Queen of All Media,' at ang una nga niyang nabanggit ay ang mga batang mga kaibigan na sina Kim Chiu at Erich Gonzales.

Saad pa niya tungkol sa dalawang aktres:

"I just have to praise them, [nung] wala akong silbi sa buhay nila, they have consistently been there. That's why alam niyong lahat, and I will really make sure to do everything for Kim and Erich."

Dagdag pa niya:

"Alam niyo na ganun 'yung pagmamahal ko dun sa dalawa. Sila pa ang concerned parati. Sila 'yung una talaga. Itong dalawang 'to, sabi ko, wow may natanim pala talaga ako with them."

Pinasalamatan din niya si JM De Guzman at ang mag-ex na sina Luis Manzano at Angel Locsin.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Sa pagpapatuloy ng pasasalamat niya sa mag-ex ay sinabi nito na:

"I also have to say na I owe Luis Manzano an apology. Kasi, nag-Team Angel ako. Pero Luis and I had a really good talk. Siyempre hindi niyo maiaalis, babae ako 'di ba?And Angel also is a very special part of my life. And I was instrumental sa pagbabalikan nila."

At dugtong pa niya:

"[He] made me realize that in every love story, there is 'his' version and 'her' version. And both can be happy with other people. And in a better place with other people."

Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga inaanak sa kasal na inaanak din ng 'Special Assistant to the President' na si Bong Go, na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Ayon pa sa ninang:

"'Yung dalawang inaanak ko sa kasal. Si Toni and si Direk Paul. Kasi pareho kaming ninang at ninong ni Bong Go sa kasal."

Sambit pa niya:

"Pero marunong sila (Toni and Paul). Kasi there's playing it safe, and staying in the middle. But there's also compassion so bilib ako dun sa dalawa."

Tingnan ang buong panayam ni Kris Aquino sa baba

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Popular: Read more news about Kris Aquino here

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban’s emotional message for ex-boyfriend John Lloyd Cruz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel