Walang puso! Netizens, galit na galit sa may-ari ng asong laging nakabilad sa araw at halos mabikti na sa kadena

Walang puso! Netizens, galit na galit sa may-ari ng asong laging nakabilad sa araw at halos mabikti na sa kadena

- Di mapigilang manggalaiti ng kapitbahay na nagpost ng video ng kalagayan ng aso na laging nakabilad sa initan at halos mabikti na sa kadena nito

- Nag-viral ang video dahil maging ang mga netizens ay di maiwasang manggalaiti sa inis sa may-ari ng aso at sana makulong daw ito dahil sa animal cruelty

- Sinubukan naman daw tulungan ng kapitbahay ang aso ngunit wala talagang pakialam ang amo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagpost ng kalunos lunos na kalagayan ng aso ng kapitbahay nila.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang post na ito ni Nemie Zaballero Carurucan kung saan pinakita niya sa pamamagitang ng isang video kung paano nakatali ang aso ng kapitbahay nila na tila ito ay nakabigti na.

Nakadagdag pa sa hirap ng aso ang matinding init ng araw kung saan siya nakatali at wala manlang itong masilungan.

Ayon sa salaysay ni Nemie, matagal na itong ginagawa ng kapitbahay at kahit pa sinabihan na nila ito, patuloy parin ang ginagawa nilang ito sa kanilang 'alagang' aso.

Sinubukan nina Nemie na tulungan ang aso sa pamamagitan ng paglalagay ng tabing dito at balde na maari nitong akyatan para maiwasan ang pagkabigti ngunit ayon sa post ni Nemie di pa rin daw ito naka-survive.

Umabot na sa 6 na milyong views ang video na ito.

Samantala, maraming netizens ang di nakapagpaigil at nagpost ng pagkamuhi sa may-ari ng aso.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kung pagmasdan ninyo ang Aso kawawa talaga,tapos ang tali napakaiksi pa.lumawit na ang dila sa sobrang init.walang awa ang may ari dapat makulong yan irresponsable.dpat sya nlng ang itali sa gate para matuyo sa araw.kung sadya man nya na ang aso magbantay sa gate nila para d makapasok ang magnanakaw maglagay sya ng tabing or bubong para d mainitan."Irresposable"

"That's animals cruelty, he dont deserve to have one, any animal..put him in jail."

"Pambihira nag aksaya pa ng oras sa pag kuha ng video, ang laki ng maitutulong mo kung kumilos ka ng totoo. Too sad, poor baby.Philippine Animal Welfare Society (PAWS) P.A.W.S. ABS-CBN News GMA News Raffy Tulfo in Action (Official Facebook Group) To the owner, you have to pay for this you're such a cockroach!"

"grabe kayo mas hayup pa kayo sa hayup kawawa naman ang aso"

"Alam mo bang my parusa yan makukulong k jn,nd kna naawa sa aso my buhay dn yan parang tao....eh kung sau gawin yan ano ang gagawin mo.?"

The new Philippine challenge is already on HumanMeter. Today we have prepared a new task for passers-by. The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Drop-dead gorgeous! Anne Curtis looks elegant in what netizens call 'garbage bag' at the NYAFF

Drop-dead gorgeous! Anne Curtis looks elegant in what netizens call 'garbage bag' at the NYAFF

Drop-dead gorgeous! Anne Curtis looks elegant in what netizens call 'garbage bag' at the NYAFF
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel