Baduy daw kasi! Aegis, emosyonal na nagpasalamat sa 'Magandang Buhay' na naging daan para magka-concert sila

Baduy daw kasi! Aegis, emosyonal na nagpasalamat sa 'Magandang Buhay' na naging daan para magka-concert sila

- Laking pasalamat ng bandang Aegis sa mga host ng 'Magandang Buhay' na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal

- Disyembre ng nakaraang taon nang naging guest ang banda sa 'Magandang Buhay' at doon sinabi nila na di pa sila nagkaroon ng major concert

- Sinasabing 'baduy' daw ang banda kaya walang nangangahas na alukin sila para magkaroon ng concert at sa Araneta pa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa July 13 gaganapin ang kauna-unahang concert ng bandang Aegis na gaganapin pa sa 'The Big Dome.'

Nalaman ng KAMI na laking pasalamat pala ng grupo sa mga host ng 'Magandang Buhay' dahil naisakatuparan na nila ang mgatagal na nilang pinapangarap ng major concert.

"Alam mo nangyari ito dahil sa inyo, sa 'Magandang Buhay.' Kaya naumpisahan. Ang akala namin ay nagbibiruan lang. Pagkatapos ng ilang araw, 'Ha, totoo na ba 'yon?'" kwento ni Juliet Sunot, bokalista ng Aegis.

"Grabe ang Araneta na 'yan, dinadaan-daanan lang namin noon. Ngayon papasok na kami. Doon na kami, kami na kami na," dagdag pa niya.

Dahil dito, naging emosyonal ang grupo dahil sa tinagal-tagal nilang pagbabanda ay ngayon lang matutupad ang kanilang matagal nang pinangarap.

"Parang nandoon 'yung saya. Nabigla lang ako dahil kasi sa 'Magandang Buhay,' dahil sa inyo, ay nabigyan kami ng chance. Thankful kami, thankful," wika ng keyboardist ng grupo na si Stella Pabico.

Maalalang Disyembre ng nakaraang taon ng nakapanayam din ang grupo sa 'Magandang Buhay' at doon, nabanggit nila na hindi pa sila nagkakaroon ng major concert. Tila ito ang nagbigay ng ideya sa mga producer na pagbigyan ang matagal na nilang hinihiling.

Aminado ang grupo na marahil 'baduy' daw sila kaya naman walang nangangahas na kunin sila para mag-concert.

Ngunit dahil sa pagsisiwalat nila na di pa sila nakaranas mag-concert, agad na kinasa noon ng ABS-CBN ang kanilang show sa July.

Mapapanood ang Aegis sa susunod na buwan kasama sina Jett Pangan, Jericho Rosales, Anne Curtis, Vice Ganda, at "Magandang Buhay" host na si Karla sa concert nilang may pamagat na "Aegis 20ble Dekada."

Ang grupong Aegis ang nagpasikat sa mga kantang, "Halik," "Bakit," "Sinta," "Basang-basa sa Ulan," "Mahal na Mahal Kita," at "Luha."

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel