Ulirang ama, matiyagang hinanap ang nawawalang anak gamit ang kanyang lumang bisekleta

Ulirang ama, matiyagang hinanap ang nawawalang anak gamit ang kanyang lumang bisekleta

- Laking gulat ng isang ama n nagngangalang Rodolfo Belen nang bigla na lamang nawala ang kanyang 14 taong gulang na anak

- Mula noon ay matiyaga na niyang sinuyod ang lahat ng lugar na pwedeng puntahan ng kanyang anak

- Nang di talaga matagpuan ang anak, dumulog na si tatay Rodolfo kay Raffy Tulfo upang ihingi na ng tulong ang nawawalang dalagita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di malaman ang dahilan ng biglaang pagkawala ng dalagitang anak ni tatay Rodolfo Belen.

Nalaman ng KAMI na mula noong araw na bigla na lang naglaho ang 14 na taong gulang na anak ni Tatay Rodolfo ay di na ito tumigil sa paghahanap sa anak.

Gamit ang kanyang lumang bisikleta, ay sinuyod niya ang lahat ng lugar na maaring puntahan ng kanyang anak.

Ngunit nabigo pa rin sa paghahanap si tatay Rodolfo kaya naman dumulog na siya kay Raffy Tulfo upang himingi ng tulong sa paghahanap.

Matapos maisa-publiko ang paghahanap sa anak ni tatay Rodolfo agad naman nakauwi na ito sa kanilang bahay.

Nang kapanayamin na ang pamilya nina tatay Rodolfo at anak nitong si Marivic, Kitang kita ang aliwalas ng mukha ng ama at nakita na ang dalagita.

Umabot din ng dalawang linggo ang pagkawala ni Marivic at paghahanap ng kanyang ama sa kanya.

Umaasa na lang si tatay Rodolfo na di na muli itong uulitin ng kanyang anak na si Marivic.

Pinaliwanagan din ni Raffy Tulfo si Marivic na huwag na muling uulitin ang pansamantalang pagkawala dahil sa labis na pag-aalala na dulot nito sa kanyang mga magulang.

Dahil sa nangyari, nalaman ni Raffy na di na pala halos nagba-bonding ang mag-anak kaya naman bilang handog na rin niya sa ulirang ama ni Marivic, sinagot niya ang family bonding ng pamilya ni tatay Rodolfo.

Pinamili sila ng mga bagong damit, at pinakain asa isang mamahaling restaurant.

Doon, nagkapatawaran na rin ang mag-ama sa nagawa ni Marivic at nangako na itong di na uulitin ang biglaang pagkawala.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher

PBB housemate Angeline Reposposa, ipinagtanggol ng teacher
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel