Official trailer ng bagong movie ng tambalang JoshLia, nagtrending sa social media!

Official trailer ng bagong movie ng tambalang JoshLia, nagtrending sa social media!

- Bagong pelikula ni Joshua Garcia at Julia Barretto, nag-trending dahil sa official trailer nito

- JoshLia, ipapakita ang mga bagong karakter na kanilang gagampanan

- Kris Aquino, nagbabalik muli sa pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas na ng Star Cinema ang official trailer ng I Love You, Hater na pagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Kasama din ng JoshLia sa pelikula ang Queen of All Media na si Kris Aquino na isang matatawag na comeback movie ng aktres at TV host sa Star Cinema pagkatapos nitong lisanin ang puder ng ABS-CBN.

Ang official trailer ng I Love You, Hater ay nag-trending sa social media dahil maraming fans at netizens ang nag-abang sa dito at pumalo na ito sa 210k views. Ang pelikulang ito ay bibigyan ng bagong karakter ang JoshLia na malayo sa naging pelikula nilang Love You to Stars and Back.

Ang I Love You, Hater din ang pelikulang nagpapahiwatig na ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay nagbabalik muli sa Star Cinema pagkatapos niyang magdesisyon na lisanin ang ABS-CBN na naging tahanan niya ng mahigit 20 taon.

Ang bagong pelikula ng JoshLia at Kris Aquino ay mapapanood sa July 11, 2018 at iikot sa kwentong pag-aagawan nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa posisyong assistant ni Kris Aquino.

Si Joshua Garcia at Julia Barretto ay unang nagtambal sa pelikulang Vince and Kath and James. Dahil sa pelikulang ito, nanalo si Joshua sa 33rd Star Awards for Movies bilang New Movie Actor of the Year. Bumida din ang JoshLia sa kanilang pelikulang Love You to the Stars and Back.

Panoorin ang nakakatawa at nakakakilig na trailer ng I Love You, Hater dito:

Huwag matakot magpapayat. Kung nais mong makuha ang iyong nais, paghirapan mo ito. Panooring ang pangatlong linggo ng Fitness Challenge ni Sam at mamangha sa kaniyang pagbabago. Makanood at makabasa ng mga bagong balita, nakakatuwang kwento, at viral videos dito sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel