Mangingisda na di na makatayo, nagtatrabaho pa rin para may ipakain sa pamilya

Mangingisda na di na makatayo, nagtatrabaho pa rin para may ipakain sa pamilya

- Kapupulutan talaga ng inspirasyon ang mangingisdang si Alex na bagaman di na makatayo, patuloy pa rin ang pagtatrabaho para sa kanyang pamilya

- Di matatawaran ang kasipagan ni tatay Alex na kahit paralisado ang mga paa, nagagawa pa rin niyang pumalaot para mangisda

- Ang asawa rin ni Alex ay paralisado ang isang paa at na-mild stroke pa kaya naman si Alex ang naghahanapbuhay pa rin para sa isang anak nila na nag-aaral pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang huwarang ama si Alexander Concepcion o mas kilala bilang tatay Alex dahil sakabila ng hirap ng kanyang sitwasyon ay nagagawa pa rin niyang maghanapbuhay para sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na mayroon palang poliomyelitis ang parehong binti ni tatay Alex, dahilan para di siya makatayo.

Upang makalakad, gamit niya ang kanyang mga kamay na mayroong tsinelas.Noon ay nagkaroon naman siya ng wheelchair ngunit nasira naman ito kaya nagtitiyaga siyang maglakad gamit ang mga kamay.

Sa kabila ng kanyang sitwasyon, di pa rin tumigil sa pangingisda si Tatay Alex. Kumikita siya ng tumatayang 200 kada araw na siyang pinagkakasya nila ng kanyang asawa at isang anak sa maghapon.

Ang asawa naman ni Alex ay may polio rin ang isang binti at na-stroke naman ang kabilang bahagi ng katawan kaya di niya ito magawang tulungan sa paghahanapbuhay.

Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, napatingnan ang kalagayan ni Alex at nabiyayaan na rin siya ng wheelchair para kahit paano ay mabawasan ang hirap niya sa paglalakad.

Narito ang video ng panayam ng GMA news kay Alex na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera

Loving family! Ang masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel