Havey o waley? Nadine Lustre tatlong lalaki daw ang pinalit kay James Reid

Havey o waley? Nadine Lustre tatlong lalaki daw ang pinalit kay James Reid

- Ayon sa balita ng 'PEP,' tatlong lalaki daw ang pinalit ni Nadine Lustre kay James Reid sa bago niyang pelikula.

- Ginanap daw sa hapong ito, June 20, Huwebes, sa 'Viva Films' board room ang nasabing story conference na naturang pelikula na ang pamagat ay 'Ulan.'

- Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ni Nadine at makakasama niya ang tatlong leading men na sina Xian Lim, Marco Gumabao , AJ Muhlach.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita na nalaman ng KAMI sa nasabing story conference ng pelikulang 'Ulan,' ang direktor at ang scriptwriter nito ay si Irene Villamor.

Siya ang direkto ng mga pelikulang 'Camp Sawi,' at 'Sid & Aya: Not a Love Story,' at isa din siya sa direktor na 'Relaks, It's Just Pag-ibig.'

Ang kwentong ito ay sinulat pa daw niya noong 2005 na ginawan lang nga revision para daw magiging akma sa kasalukuyang panahon.

Hindi na umano nagkuwento si Nadine tungkol sa kanyang gagampanan na karakter sa nasabing pelikula dahil baka daw masabi niya ang lahat.

Pero isa daw ang tiyak siya na ikinwento niya at iyon ay ang pagka-excite na magkatrabaho silang apat.

"We're really excited, working with everyone."

Dagdag pa ni Nadine:

"This is my first time to work with Xian Lim and Marco Gumabao."

Sa pagpapatuloy niya sa pagbahagi ng nasabing proyekto:

"Actually, itong project na ito, last year pa kami nag-meet."

Naibahagi din niya ang dahilang kung bakit gustong gusto niya ang pelikula:

"Yung story talaga, gustung-gusto ko siya. It's more on self-love kasi. I'm a huge advocate of self-love."

At dugtong pa niya:

"Maraming pagbabago na mangyayari sa character ko because of the experiences."

Pero nang tanungin daw ang aktres tungkol 'separation anxiety', baka daw makaranas siya ng ganito dahil hindi ang kanyang reel at real loveteam ang kasama niya dito, ang boyfriend niyang si James Reid ay natawa na lang umano si Nadine.

Sabay pahayag niya na:

"Hindi naman. It's healthy to be able to work separately so we can both grow together and then, at the same time, grow separately."

Ayon pa kay Nadine, para daw itong bagong stepping stone sa kanya dahil nga hindi na niya kasama si James sa pelikula.

"Parang bago siyang stepping stone para sa akin kasi nga, this time, hiwalay na nga kami ni James, so dito ko talaga malalaman kung kaya ko ba na wala siya."

Nagpatuloy pa siyang magpaliwanag na:

"Actually lahat ng JaDine fans, sobrang excited sila sa Ulan."

Sumusuporta naman daw ang Jadine fans nila ni James at ngayon pa lang daw ay sumusuporta na sila.

At may hiling din si Nadine Lustre sa mga fans nina Xian at Kim Chiu.

"At sa fans nina Xian at Kim Chiu, sana sumuporta po kayo."

Pagtatapos pa ng aktres:

"Sobrang excited po kami sa project na ito and I'm sure, magugustuhan ninyo."

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel