Magiging guro na siya! Gasoline boy na nakatapos ng kolehiyo, suot pa ang kanyang toga sa trabaho

Magiging guro na siya! Gasoline boy na nakatapos ng kolehiyo, suot pa ang kanyang toga sa trabaho

- Binahagi ni Warry Bregente Marata ang kalbaryo niya kung paano niya ginapang ang kanyang pag-aaral habang siya ay nagtatrabaho bilang isang gasoline boy

- Matinding sakripisyo ang kanyang ginawa sa loob ng apat na taon niya sa kolehiyo

- Masaya siyang napagtagumpayan ang pag-aaral at ngayon ay handa na siyang harapin ang kanyang nagong buhay bilang isang guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng mga papuri ang binahaging kwento ng isang gasoline boy na si Warry Bregente Marata na nakapagtapos ng kolehiyo habang siya ay nagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na sa loob ng apat na taon, nagawa niyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aaral.

Di biro ang kanyang dinanas dahil pumapasok talaga siyang puyat, o minsan pa ay walang tulog talaga.

Nangyari na rin daw sa kanya na talagang mula sa trabaho, hilamos at sipilyo lang tapos diretso na sa kanyang klase.

Pinakamatinding hirap na kanyang dinanas sa pag-aaral ay nang sumapit na ang kanyang practice teaching. Panggabi siya noon sa trabaho tapos papasok siya ng maaga sa klase kung saan magtuturo siya sa mga bata na nangingitim ang paligid ng mata.

At dahil Practice teaching na siya, Siya na ang guro, kaya naman kinailangan pa siyang maghanda ng visual aids at lesson plan ng kanyang ituturo.

Halos ganun din ang nangyari nang thesis writing na sila kung saan halos nakikibalita na lang siya sa kanyang mga kagrupo dahil may trabaho na siya.

Pansin nga raw ng ilang customer nila ang kanyang pagpayat. Minsang nasabihan na "Anong ginagawa mo sa sarili mo? Kumain ka naman! Puro pagsusuksok nalang ata ng noozle ang alam mo, Siguro gasolina na ang iniinom mo".

Samantala, umani naman ng papuri ang kwento na ito ni Warry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Sobrang nakakaproud ka war! Yan ang dapat ipinagmamalaki talaga"

"Galing galing! Congrats Sir Warry!"

"congrats pre .. hindi man kita masamahan sa pagsasaya mo ei talagang masaya ko para sayo .. dasal ko ang tuloy tuloy na tagumpay at mga biyaya sayo .. good luck , good health and a prosperous life brother .."

"Congrats pog!galing mo lahat ng pnag daanan mo my kpalit yan na ng aantay sau!.."

"Marami pang blessing ang darating sayo. Tiwala lang!"

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel