Umagaw ng atensyon sa internet ang panganay na anak nina Jinkee at Manny Pacquiao

Umagaw ng atensyon sa internet ang panganay na anak nina Jinkee at Manny Pacquiao

- Kahit sa sa sobrang busy ng mag-asawang Jinkee Pacquiao at Senator Manny Pacquiao ay hindi pa rin nila kinakaligtaan ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang ng kanilang limang anak.

- Makikita sa kanilang mga social media pages na hands-on pa rin ang dalawa bilang ina at ama sa kanilang mga anak.

- Kaya naman hindi na nakakagulat kung lumaki ang kanilang mga anak na mga mabubuting tao at mamamayan at magagandang dalaga at gwapong mga binata at ito na nga ngayon ang panganay na anak ni Pacman na si Emmanuel Pacquiao Jr o kilal din sa tawag na Jimuel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa pagiging napakasikat na mga personalidad, nasaksihan ng mamamayang Pinoy na lumaki ang mga anak nina Jinkee at Manny sa guestings sa telebisyon at mga pictures sa social media.

Sa katunayan kung masisilip mo ang kanilang mga Instagram accounts ay makikita mo kung paano lumaki ang kanilang mga anak sa nakalipas na ilang taon.

Kagaya na lang nitong sa baba na litrato na nakuha ng KAMI sa Instagram ni Manny Pacquiao.

Binabahagi din ni Jinkee Pacquiao ang kanilang family picture bago sa Sunday service nila at kapansin-pansin na lumalaki na nga ang mga Pacquiao kids.

Kamakailan lang ay umagaw pansin sa social media ang panganay na anak nila na si Emmauel Pacquiao, Jr. o kilala din sa tawag na Jimuel.

Sa Instagram page ng huli ay makikita na lumaki itong isang gwapo at maganda ang tindig na binita.

Ayon pa sa 'Pilipino Scoop,' nakakatugtug din siya ng musical instrument pero higit sa lahat ang nagustuhan ng kanyang mga tagahanga ay kanyang pagiging "God-fearing and humble."

Dahil din daw siya ay panganay, isa din siyang mapagmahal na kuya sa kanyang mga kapatid.

At makikita naman talaga ang kanilang closeness at pagmamahal ng kanyang mga nakakabatang mga kapatid noong nagbirthday siya.

Ginamit nga ng ina niyang si Jinkee ang Instagram para maggreet sa anak dala ng pasasalamat at paghanga ng ina sa kanya.

“Happy birthday greetings to an awesome son. I am truly blessed by God because He gave me a son like you. May all your deepest hopes and dreams come true by the guidance of the Lord. I know you can do all things through Christ who strengthens you. I love you, my son!”

At sa kabila ng yaman at kasikatan ng mga Pacquiao, hindi kinakalimutan umano nina Manny at Jinkee ang kahalagan ng pagkukumbaga at pagiging mabuting mamamayan sa bayan na may tako sai panginoon

“Gusto namin na ma-experience nila at makasama nila yung mga mahihirap na mga bata, ‘yung hirap din ng buhay na dinaanan namin. Gusto namin balikan yung mga tao na nangangailangan ng tulong at gusto naming tumulong sa kanila kasi nanggaling kami sa ganoong buhay.”

Sinabi din ni Jinkee na gusto nila na tutukan at panatilihing close sila sa kanilang mga anak.

“It is a must that we are always there to supervise our children. We need this to strengthen our relationships and to provide them guidance and support, especially when they need it.”

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel