Salamat Pa! Katagang binitawan ng isang anak ng basurero na nagtapos ng kolehiyo

Salamat Pa! Katagang binitawan ng isang anak ng basurero na nagtapos ng kolehiyo

- Isang kwento naman ng ulirang ama na susuungin lahat ng hirap at pagod para lang maitaguyod ang anak sa kolehiyo.

- Ang 51-year-old na si Tatay Cristito Quimado ay tinanghal na 'Super Dad' ng 'GMA Public Affairs' dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagsisikap na mapagtapos ang anak sa pag-aaral sa pamamagitan ng kaniyang trabaho na isang basurero.

- At hindi naman siya nabigo dahil gumraduate naman ang anak niya sa kursong Bachelor of Technology Major in Nutrition and Food Technology sa 'Technological University of the Philippines.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral na nga ang nasabing kwento at umabot pa sa buong mundo ang kahanga-hangang ginawa ng isa basurerong ama.

Sa katunayan lumabas na ito sa isang international blog site na 'Positive Outlooks'dahil nakakabilib naman talaga.

Iginapang lang naman ni Tatay Cristito Quimado ang pag-aaral ng kanyang anak sa pagbabasura at 500 pesos na kita taga-araw.

Alas-tres o alas kuwarto pa lang ng umaga araw-araw ay pumapasok na si Tatay Cristito sa kaniyang trabaho.

Pahayag pa ng ama hindi daw madali ang manguha ng basura dahil may kasama itong peligro sa kalusugan.

Gayunman, ay sinabi ni Tatay Cristito na gagawin pa rin daw niya ang lata para sa kaniyang pamilyat at limang anak.

Napag-alaman ng KAMI na mayroon pa siyang apat na anak na papatapusin sa pag-aaral.

Saad niya:

"Hanggat malakas ako, pipilitin kong makapagtapos silang lahat."

Dagdag pa ng super dad:

"Yung pag-aaral nila hindi ko pinababayaan kasi yung lang yung ano ko sa kanila...makatapos sila."

Pero kahit kailan ay hindi naman daw kinahiya siya ng anak na pinatapos niya sa kolehiyo na si Jenny Rose Blanco Quimado.

Nakangiting paglalahad ng ama ang saya dahil hindi naman daw siya ikinahihiya ng kaniyang anak.

Sambit pa ng ama, pagtinatanong daw ang dalaga kung ano ang trabaho ng tatay niya madali umano itong sumasagot na basurero.

“'Pag tinatanong ng tao, ‘Anong ginagawa ng tatay mo?’ Sumasagot 'yan, ‘Basurero.’ Hindi siya nahihiya."

Proud naman si Jenny sa kanyang ama dahil hindi naman daw illigal ang trabaho nito.

“Minsan, pumapasok akong walang baon...pero nagpapasalamat ako sa Diyos na siya ang tatay ko kasi marangal ang trabaho niya. Wala siyang ginagawang iligal"

At kahit gaano din kahirap ng buhay, hindi sumuko ang anak na si Jenny Rose na makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto din naman daw niyang suklian ang ama sa lahat ng pagsisikap niya para maitaguyod ang kanyang pag-aaral.

“Gusto kong ako na ang magta-trabaho[para] ako na lang ang magpapa-aral sa mga kapatid ko."

At nakapagtapos na nga si Jenny Rose noong nakaraang Abril at sinaksihan iyon ng ama.

Gusto daw niya na maibili ang papa niya ng mga bagong bagay at madala sa isang restaurant.

Pagtatapos na sabi ni Jenny Rose:

"Salamat Pa, dahil ikaw yung naging papa namin. Salamat dahil lagi kang nandiyan para sa amin at I love you."

At dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin