Lakas ng trip! Vice Ganda and beki friends, pinatawa ang netizens sa kanilang kakaibang bonding

Lakas ng trip! Vice Ganda and beki friends, pinatawa ang netizens sa kanilang kakaibang bonding

- Vice Ganda, ipinasilip ang kakulitan kasama ang kanyang beki friends

- Napuno ng tawanan ang pagsasama ng magkakaibigan sa tahanan ng komedyante

- Vice Ganda, ipinakita ang buhay sa likod ng kamera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sikat na komedyanteng si Vice Ganda, pinatawa ang mga netizens kahit na siya ay nasa bahay lang. Inimbitahan ng komedyante ang kanyang mga beki friends upang magsama-sama sila para sa kakaibang trip. Sumayaw ang mga kaibigan ni Vice at nagkaroon din sila ng boodle fight.

Makikita sa bidyo ng komedyante na sumasayaw ang kaniyang mga kaibigan sa kanyang bahay na tila walang pakialam at ninanamnam ang kasiyahan kahit nahulog pa nito ang display ng aktor sa bahay. Habang kinukunan ng bidyo ni Vice Ganda ang trip ng kanyang beki friends, naririnig naman ang malakas na tawa ng komedyante.

Hindi lang iyan, nagsaya din ang magkakaibigan sa pool area ng bahay ni Vice Ganda at dun sila nagkwentuhan. Kahit nasa swimming pool na ito, hindi nito natigil ang pagsasayaw ng mga kaibigan ng komedyante. Ipinakita din ni Vice Gand na wala siyang arte pagdating sa pagkain dahil nagsalu-salo sila sa isang boodle fight. Makikita sa bidyo na tunay na pagkaing Pinoy ang kanilang pinagsaluhan.

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, TV host, mang-aawit, at komedyante. Siya ay isang regular na host ng noontime show ng ABS-CBN ang It’s Showtime. Bumida na din sa mga pelikula si Vice gaya ng Praybeyt Benjamin, Sisterakas, at Super Parental Guardians at halos lahat ng kanyang pelikula ay highest-grossing.

Panoorin ang nakakatawang trip ni Vice at ng kanyang beki friends dito:

Nais mo bang magpapayat? Naghahanap ka ba ng inspirasyon? Bakit di mo tularan si Teacher Sam? Siya ay nasa pangatlong linggo na ng kanyang fitness challenge at makikita ang kakaibang resulta sa kanya. Kung nais mong makanood ng viral videos o makabasa ng mga nakakaaliw at kapupulutan ng aral na mga kwento, dito kana sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel