3-bedroom unit sa Rockwell ang katumbas! OOTD ni Kris Aquino, nakakalula ang presyo

3-bedroom unit sa Rockwell ang katumbas! OOTD ni Kris Aquino, nakakalula ang presyo

- Bongga ang pagbabalik pelikula ni Kris Aquino

- Ayon sa kanya pinaghandaan niya talaga ang araw na iyon

- Kaya naman hindi din basta-basta ang sinuot niyang OOTD para sa araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakahalagang pangyayari umano para kay Kris ang muling pagbabalik niya sa ABS-CBN at humarap sa media upang i launch ang kanyang movie.

Makakasama ni Kris sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa romantic-comedy film "I Love You, Hater."

Sa press conference ng kanilang pelikula, sinabi ni Kris na iyon ang pinakamalaking event niya sa ABS-CBN sa loob ng dalawang taon kaya naman sinigurado niyang magiging maganda siya.

"Gumastos ako for this, kasi kung aapak ka naman at babalik sa ABS-CBN, make sure na ang suot mo, alam nila... Who's from PEP here? Kasi bina-value niyo parati how much, e, so sasabihin ko na para madali niyo na lang ma-research," saad niya.

Inisa isa niyang binanggit ang kanyang suot na talaga namang nakakalula ang halaga.

"Limited edition 20th anniversary Roland Mouret po 'yung pants. Balmain 'yung blazer na suot. Alaïa 'yung shoes. 'Yung alahas na sinuot, makakabili ng condo, three-bedroom sa Rockwell."

3-bedroom unit sa Rockwell ang katumbas! OOTD ni Kris Aquino, nakakalula ang presyo

Via PEP.ph

3-bedroom unit sa Rockwell ang katumbas! OOTD ni Kris Aquino, nakakalula ang presyo

Via PEP.ph

Ang suot niyang pantalon ay nagkakahalaga ng P120,000, aayon sa PEP.ph base narin sa isang online luxury shop.

Ang kanya namang wool blazer ay P150,000 at ang kanyang platform sandals ay nasa P64,500.

Ang kanyang mga alahas naman na kasama ang kanyang relos, mga bracelets, singsing at pares ng hikaw ay nagkakahalaga ng milyon-milyon.

Ang kanyang Cartier watch ay nagkakahalaga ng P3.12 million ayon sa PEP.ph.

Cartier din ang kanyang mga bracelets na nagkakahalaga ng P2.14 million, P1.75 million, P1.13 million, at P673,000.

Diamante din ang nasa kanyang singsing at hikaw na sigurado umanong milyones din ang halaga.

Ayon pa sa PEP, ang isang condominium sa Rockwell sa Makati ay nasa P30 million hanggang P70 million.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | on HumanMeter

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel