Lolit Solis, may binuking tungkol kanila Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

Lolit Solis, may binuking tungkol kanila Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

- Maingay ngayon ang balitang umano'y hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

- May pasabog naman si Lolit Solis patungkol dito

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng maingay na issue ng umano'y hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, ay meron namang matinding pasabog ang veteran entertainment writer na si Lolit Solis.

Nalaman ng KAMI na meron ding payo si Manay para sa dalawa.

Ayon sa Phil News, idinaan ni Manay sa isang Instagram post ang kanyang saloobin patungkol sa isyu ng dalawa.

"Nakakatuwa naman na ang dami pala nag-react sa birthday greeting ni Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria, Salve. Kahit hindi open ang relationship ng dalawa nung una, at lately nga lang talagang inamin, positive naman ang reaction ng lahat. Ang ganda nila tingnan together, lalo pa at kasama nila ang kanilang mga anak na si Thirdy at Gabs. Abroad sila together, madalas magkasama kaya close na close na rin pati iyon dalawang anak nila. So far, wala akong nakikitang problema sa dalawa. Siguro kung magkakarun man dahil lang sa oras dahil pareho sila busy."

Binuking naman niya kung paano bilang isang karelasyon si Jodi at Jolo.

"Nakita ko how sweet and thoughful si Jodi kay Jolo, and how alagaan ni Jolo si Jodi. Nakatulong nga sa dalawa na hindi sila PDA at makuwento tungkol sa kanilang relasyon, what you see is what you get ang drama nilang dalawa. Naibubukod mo iyon career nila pareho dahil both of them achievers, bongga si Jodi sa showbiz, bongga si Jolo sa politics.

"They enjoy their own space, they respect their works, they know where to draw the line. No problem dahil bukod sa mature silang dalawa, they enjoy sharing their own memories, hindi nila hinayaan na iyon nangyari sa past nila maging sagabal sa kanilang present at future. Basta anuman gawin nila, they share the same passion, pagpapalaki sa kanilang mga anak, at mga plano na silang dalawa ang gumagawa."

Meron siyang magandang payo at mensahe para sa kanilang dalawa.

"I hope and pray na sana they will be together for the longest time, dahil they both bring the best out of each other. Meron silang chemistry that bring in the luck for both of them, na sana they will share a lifetime. They are the best father and mother for Thirdy and Gabs, and for the future Jolo and Jodi they will produce, so be strong, face the odds together, kaya nyo iyan mga maliliit na bagyo, kayang-kaya."

Read some of the comments from netizens below:

"True po kayo dyan pareho silang achievers & pareho nilang pinag patuloy Ang pag aaral. God bless them manay."

"Praying that they conquer and surpass whatever situations they have right now...sayang naman ang mga years na pinagsamahan nila...love them both"

"Mabuting tao at mabuting babae si Jodi. Sana kung sino man makatuluyan nya, yung maayos na tao sana at forever na."

"Manay ng mabasa ko post ni @jolo_revilla, im a bit sad kasi wala na yung twagan nila... i hope the rumors are not true @jodistamaria... hope things will be okay for u guys... il pray for that everyday #Lodi"

Taong 2012 unang kinumpirma nina Jodi at Jolo na may relasyon silang dalawa. Naghiwalay sila ng 2016 pero nanatili silang magkaibigan. Matapos ito ay napabalita naman na nagkabalikan na sila, pero nitong January 2018 lang nila kinumpirma ito.

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment. Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? And what do you think other people did, when heard “Can you help me cheat?”

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel