6 na artistang hindi nakalimot sa kanilang yumaong ama noong father’s day

6 na artistang hindi nakalimot sa kanilang yumaong ama noong father’s day

- Sila ang mga artista na kahit anong mangyari, hindi nakakalimot sa ama kahit ito ay wala na

- Mga artistang tinuring na inspirasyon ang kanilang mga ama noong ito ay nabubuhay pa

- Binigyang pugay ng mga 6 na artistang ito ang kanilang ama na nagsilbing gabay nila noon hanggang ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakamasakit na pwedeng mangyari sa buhay ay ang mawalan ng ama. Kahit na mga artista, sila din ay mga anak na naghahanap ng kalinga ng isang tatay. Kaya naman tuwing ipinagdiriwang ang Father’s day ay may ilan sa mga Pinoy celebrities ang hindi nakakalimot na bigyang pugay ang pinakamamahal nilang mga ama.

Narito ang 6 na artistang kahit sikat man, anak pa din sila na laging nasa puso’t isip ang mga yumaong tatay.

1. Regine Velasquez

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay hindi nakalimot na batiin ang kanyang ama na si Mang Gerry. Ayon sa mang-aawit, namimiss na niya ito.

2. Ina Feleo

Aktres na si Ina Feleo, binati din ang namayapang ama na si Johny Delgado. Saad ng aktres, mahal na mahal niya ito magkailanman at namimiss niya ito.

3. Maxene Magalona

Kahit matagal nang nagpapahinga ang Master Rapper na si Francis Magalona, hindi pa din nakakalimutan na batiin ni Maxene ang ama tuwing araw ng mga tatay.

4. Andi Eigenmann

Kahit nagpapahinga sa showbiz ang aktres na si Andi Eigenmann, hindi nito pinalampas na batiin ang namayapang ama at aktor na si Mark Gil. Ayon sa aktres, pinagsisihan niya ang mga lumipas na father’s day at hinihiling niya na sana kasama pa din nila ang ama.

5. Pia Wurtzbach

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay inalala din ang ama tuwing father's day. Ayon sa beauty queen, ang tatay niya ang dahilan kung bakit hindi siya sumusuko.

6. Kris Aquino

Palaban man ang Queen of All Media sa lahat ng bagay, nagiging malambot pa din ito pagdating sa kanyang ama. Ayon kay Kris, ang amang si Ninoy ang unang lalake na tumawag sa kanya ng maganda at naniwala sa kanyang kakayahan.

Ano ang gagawin mo kung may magkasintahan na lumapit sa’yo at sinabihan ka ng binata sagutin ang tawag at sabihan ang asawa niya na siya ay nasa meeting. Ano nga ba ang gagawin mo kahit alam mong ito ay niloloko ang asawa? Panoorin ang social experiment na ito upang malaman mo kung ano nga ba ang kinalabasan. Dito lang yan sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel