Nakakaloka! Sumama sa iba ang kinakasama pagkatapos daw bigyan ng 3-milyon ng OFW

Nakakaloka! Sumama sa iba ang kinakasama pagkatapos daw bigyan ng 3-milyon ng OFW

- Hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa kaya naman dobleng ingat ang karamihan sa mga OFW ngayon sa pagbibigay o paggasto ng kanilang kita.

- Siguro ito ngayon ang natutunan ng isang lalaki na OFW dahil dumaing ito kay Raffy Tulfo at nagsumbong na diumano'y matapos niyang bigyan ang kanyang kinakasama ng 3-milyon na halaga ng pera ay sumama ito sa iba.

- Pumunta daw si Glendo Dumacal kay Raffy Tulfo para humingi ng tulong at makapag-usap ang nasabing dating kinakasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa salaysay ni Glendo Dumacal, nang nagresign daw si Cony bilang OFW sa Saudi Arabia ay siya na daw ang nagpapadala nito ng allowance taga buwan.

Sabi pa niya hindi daw bumababa ng 23,000 pesos ang allowance na binibigay niya sa kanya at ito ay kusang-loob niyang binibigay sa kanyang dating kinakasama.

Dagdag pa niya ay nag-umpisa umano siyang magbigay noong 2007 at siya din daw ang nagsustento sa dalawang anak ni Cony.

Pero kamakailan lang ay nalaman niya ang kinakasama ay may relasyon daw sa isang ambulance driver.

Dugtong pa niya ang huli daw ang nagturo kay Cony para magdrive.

Sambit pa ni Glendo Dumacal:

“’Yan ang nagturo sa kaniya mag drive… Wala akong kaalam alam sir na ‘yun pala, pati na si Cony dina-drive!”

Ngayon, napag-alaman ng KAMI na gusto na niyang makuha ang pera na nagkakahalaga lahat ng 3-milyon sa dating kinakasama.

Si Raffy Tulfo naman ay nagbigay ng tapat na opinyon at payo kay Glendo na dahil wala daw silang 'written agreement' o nakasulat na kasunduan tungkol sa perang ibinigay niya kaya mahirap daw ito na makuha pa niya.

Tingnan ang buong panayam ni Raffy Tulfo kay Glendo Dumacal sa baba

At dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel