Palaban! Kris Aquino may bwelta sa kanyang mga bashers

Palaban! Kris Aquino may bwelta sa kanyang mga bashers

- Kris Aquino naging totoo sa kanyang mga pahayag para sa kanyang bashers

- Nagbahagi ang aktres tungkol sa katapangan ng kanyang pamilya

- Nagbigay pugay ang aktres sa kanyang yumaong ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay palaban na hinamon ang bashers niya at ng kanyang pamilya at ipinahayag niya ito sa kanyang Facebook Live. Ipinaalam din ni Kris sa mga nanonood ng kayang FB live session ang kanyang saloobin tungkol sa ama ng anak niyang si Bimby.

Hindi natakot ang aktres at TV host tungkol sa gusto niyang sabihin sa kanyang mga bashers at sa mga taong pumupuna sa pamilya niya. Aniya, taas noo niyang sasabihin sa lahat na hindi sila duwag ng kanyang pamilya. Matapang sila, hindi lang sa social media pati na din sa totoong buhay dahil nabaril na sila ng ilang beses ngunit nakatayo pa rin.

Dagdag pa ng aktres, hindi siya takot sa kung ano man ang sabihin sa kanya dahil marami na ang napagdaanan niya at ng kanyang pamilya. Kahit na nagiging emosyonal ang aktres, hindi pa din niya nakalimutang batiin ang kanyang ama ng Happy Father’s day at pinasalamatan niya ito dahil pinalaki silang may tapang bilang isang Pilipino.

Samantala, ibinahagi ni Kris na proud siya sa kanyang bunsong anak dahil nag-bidyo ito ng father’s day message para sa kanyang amang si James Yap kahit magulo pa ang kanilang relasyon. Ginawa ito ng aktres dahil gusto niya ng kapayapaan. Bago matapos ang FB live, sinabi din ni Kris na kaya niyang isuko ang mga kontrata niya noon para sa isang tao.

Si Kris Aquino ay isang Pinay aktres, TV host, at endorser. Siya ay bibida sa pelikulang I Love You, Hater kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nais mo bang malaman kung ano ang ginawa ni Sam upang makamit ang katawan niya ngayon? Panoorin ang kanyang Fitness Challenge upang ikaw ay makakuha inspirasyon. Maging una pagdating sa balita, latest scoop, nakakaaliw at nakakatuwang videos at kwento sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel