Nakakalula ang ginawa ng magbabarkada para lang manguha ng mangga

Nakakalula ang ginawa ng magbabarkada para lang manguha ng mangga

- Sabi nga nila ang ibang mga tao ay hahamaking ang lahat makuha lang ang gusto nila at ito mismo ang ginawa ng magbabarkada sa Iriga City sa Camarines Sur.

- Naibalita na ito ng '24 Oras' at naipost naman ng 'GMA News' sa kanilang website at Facebook page na humakot ng maraming likes, shares, comments, at views.

- Ang mga lalaking ito at si 'Mangga Girl' ng Iriga City ay mga miyembro ng isang dance group na tinawag nilang 'The MAG Dancers.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang mga kabataang ito ay hindi basta-basta na naglalaro lang na nag-ala cheerdance para makuha ng mangga.

Hindi pa la sila basta-basta ayon sa balita dahil dati na silang lumaban sa Japan at nakasungkit na sila ng dalawang gintong medalya.

Napag-alaman din ng KAMI na ang grupo pa la nila ay sumasailalim sa dalawang oras na training araw-araw sa limang araw sa isang linggo.

Kaya naman pala ay makikita mo talaga ang linis at eksaktong galaw ng grupo.

Sa FB page sa isa sa miyembro ng grupo na nagpost ng nasabing video na si Jed Nagales, 19 years old, ay hindi lang ito ang video na naishare niya sa pagsasayaw ng grupo.

Pero ang video nga ng kanyang lima na kagrupo at ang babaeng itinapon o inihagis sa ere na s Dannielle Briones na ngayon ay kilala na bilang si 'Mangga Girl' para lang makakuha ng mangga ay nagviral na talaga ngayon.

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel