Tripling saya! Hindi magkamayaw ang netizens sa 'cumlaude' triplets ng Sta. Maria, Isabela

Tripling saya! Hindi magkamayaw ang netizens sa 'cumlaude' triplets ng Sta. Maria, Isabela

- Nagkagulo nga ang Facebook kamakailan lang dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa, pero tatlong lalaking magkakapatid, triplets kung sila ay tawagin ang nagbigay inspirasyon at kahanga-hangang galing.

- Lumabas ang kwento sa 'Kickier Daily News' at talaga namang dapat bigyang pugay ang mga ganitong mga masigasig, masipag, dedikado, at matatalinong mga mag-aaral dahil nagbibigay sila ng magandang impluwensiya at pag-asa sa lahat.

- Sila ay ang magkakapatid na Ace, Jack, at King Pagaran na gumawa ng ingay at malakas na diskusyon at reaksyon sa online world dahil sa isang post na binahagi sa isa sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang post sa Facebook ng isang netizen na nagngangalang Ace Pagaran ang nagpa-ingay at nagbukas ng iba't-ibang reaksyon na humantong sa kanyang post na magtrending tuluyan.

Naispatan ng KAMI ang post ni Ace sa social media at ito ay litrato nilang tatlong magkakapatid na triplets na nakasuot ng graduation gown at cap, at sinulatan pa niya ito ng caption na pinamagatang 'Salita ng Pasasalamat.'

Siya at kanyang mga kapatid ay nagtapos ng sabay-sabay sa korso ng Bachelor of Science in Agriculture at lahat sila ay graduate with honors, lahat sila ay 'cumlaude.'

Ayon sa caption niya, nagtapos sila ng kolehiyo sa 'Provicinal Technical Institute of Agriculture (PTIA)' sa 'Isabela State University Cabagan Campus.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong tumulong sa kanilang magkakapatid lalo na ang kanilang proud na nanay at tatay na sina Leliza at Sonny Pagaran.

Saad pa niya:

"Sa lahat po ng tumulong sa amin, especially to my parents, LELIZA PAGARAN and SONNY PAGARAN , na hindi tumigil sa pagpapaaral sa amin kahit hirap na hirap na sila at marami ng utang, salamat dn po sa mga grandparents namin, uncles and antys, relatives and friends. (BALDUGO - PAGARAN FAMILY). Hindi po matutumbasan ng salitang thank you ang mga nagawa niyo para sa amin pero maraming maraming salamat po talaga sa inyo."

At nagtapos siya sa pasasalamat sa mga eskwelahan na naghubog o naghulma sa kanila.

Ngayon, umabot na sa libo-libong reaksyon, daan-daang likes at comments ang nasabing post.

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel