Nanggigil sa ka-cute-tan ang mga netizens sa unico hijo ni Toni Gonzaga

Nanggigil sa ka-cute-tan ang mga netizens sa unico hijo ni Toni Gonzaga

- Kamakailan lang ay nagshare ang 'Ultimate Multimedia Superstar' na si Toni Gonzaga sa kanyang Instagram account ng video story na agad naman napansin ng mga netizens.

- Bumisita ang mag-ina ni Paul Soriano sa pamilya ng mga Soriano para sa kanilang special 'Father's Day' celebration.

- Habang nasa ibang bansa ang amang direktor ay dinala ni Toni ang anak nilang si Seve sa lolo at lola niya na sina Jeric at Marissa Soriano at nagviral naman talaga ang nasabing video story ng 'Home Sweetie Home' star.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laman na naman ng lahat ng social media ang unico hijo ng 'Ultimate Multimedia Superstar' na kilala rin bilang 'Romantic Comedy Queen' at 'Best TV Female Host' na si Toni Gonzaga at ng award-winning na direktor na si Paul Soriano.

Naispatan ng KAMI ang video na ilang ulit na shinare at nirepost ng mga milyon milyong tagahanga at ibang fan pages ng aktres at direktor kagaya ng Instagram at 'YouTube.'

Sa IG video story ni Toni ay pinakita ang pagdating nila ni baby Seve sa bahay ng mga magulang ni Paul.

Ang cute cute ni Seve na naka red jumper suit at ang cool at napakasimple naman ng mommy sa kanilang mga suot.

Nandoon sila para icelebrate ang araw ng mga tatay at may pagsalosalo sa bahay ng mga Soriano kasama pa ang mga nagagwapohang mga nakakabatang kapatid ni Paul na sina Patrick, Philip, at Parker.

Kasama din sa kanilang salo-salo ang nagagandang mga girlfriend nina Patrick at Parker Soriano na sina Winnie Wong at Danielle Daza, respectively.

Tingnan ang napakacute na video sa baba

Si Toni Gonzaga ay uang nakilala sa 'Sprite' commerical at naging Kapuso at Dabarkads ng 'Eat Bulaga' pero sumikat lalo at naging isang napakaningning na bituin ng Kapamilya network na naghakot ng maraming awards sa acting, recording, concerts, hosting, singing, endorsements at fashion styles.

Si Toni Gonzaga at Paul Soriano ay kinasal noong June 12, 2015 pagkatapos ibahagi ang engagement nila sa 'The Buzz' noong February 1, 2015.

Pagkatapos ng mahigit isang taon ay masayang pinagdiwang nila ang pagdating ng kanilang unang baby na si Severiano Elliott, na ngayon rin ay may sariling fans.

At dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel