Punong-puno! Kyline Alcantara nagperform na lang sa escalator dahil sa daming tagahanga

Punong-puno! Kyline Alcantara nagperform na lang sa escalator dahil sa daming tagahanga

- Nakakawindang sa dami ng tao ang isang mall sa Pampanga sa pagbisita ng 'Kambal Karibal' star na si Kyline Alcantara.

- Sa dami ng tao ay napilitan ang Kapuso aktres na magperform na lang sa escalator ng naturang mall dahil nga hindi na siya makadaan pa.

- Hindi makakaila na napakasikat na ni Kyline ngayon dahil sa kanyang bida-kontrabida role sa hit primetime television drama series ng 'GMA-7' ang 'Kambal Karibal.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakamagandang teleserye ng Kapuso network ay ang 'Kambal Karibal' at isa sa mga napakagaling na artistang babae nito ay walang iba kung hindi si Kyline Alcantara.

Napansin ng husto at sobrang sumikat ang aktres dahil sa napaka-epektibo niyang gumanap sa 'multi-layered' roles niya bilang 'Cheska,' 'Crisel,' at 'Crisan.'

Ngayon, nabalitaan namin sa 'GMA Entertainment' na ang aktres ay bumisita sa isang mall sa San Fernado, Pampanga at bumuhos ang kanyang mga tagahanga at dahil sa punong-puno at siksikan ng mga fans kaya naman sa escalator na lang siya nagperform.

"Nag-effort pa rin 'yung mga tao, and masikip na sila doon [sa may stage,] eh. So sabi ko, "puwedeng sa escalator na lang tayo mag-perform? Kahit two to three songs lang, or one song lang.""

At hindi na tinapos niya ang performance dahil sa hindi mapigilang buhos ng tao pero nagstay muna siya para macheck at masigurado na okay lang ang lahat.

Dahil dito nagpasalamat siya sa mga tagahanga at pagbahagi niya sa 'Chika Minute' sa '24 Oras':

"Just to check 'yung mga nahimatay po. Makikita niyo po talaga 'yung pagsu-sway ng audience sa sobrang sikip. And naaawa po ako syempre sa kanila."

Nagpasalamat naman ang 'La Nueva Kontrabida' sa kanyang mga tagahanga gamit ang kanyang Instagram account.

Tingnan ang buong panayam niya sa 'GMA News.'

Si Kyline Alcantara ay unang nakilala sa Kapamilya Network.

Siya ang gumanap sa papel ng batang Emilia sa 'Wildflower' at arte din ng cast ng 'Annaliza' bago lumipat sa 'GMA' at ang una nyang proyekto ay and drama role nya sa 'Kambal Karibal' na talagang nagpasikat ng husto sa kanya.

Ngayon isa din syang internet sensation sa mga videos compilations nya at kilala sa tawag na 'La Nueva Kontrabida'

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel