Anak ni Willie Revillame na si Marimonte Shanelle lumaking isang magandang dalaga

Anak ni Willie Revillame na si Marimonte Shanelle lumaking isang magandang dalaga

- Bukod kay Meryll Soriano na isang batikang aktres, may ibang anak na babae si Willie Revillame at ito nga ay si Marimonte Shanelle.

- Ibinahagi ng 'Chikka PH' ang tungkol sa magandang dalagitang anak ni Willie na dati ay nakita sa TV na maliit pa lamang.

- Ngayon ang nasabing dalagita ay nasa Facebook na at ang kanyang pangalan sa nasabing social media ay Marimonte Shanelle at talaga namang artistahin din gaya ng kanyang ate at ama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa nasabing website, may apat na anak si Kuya Wil at ito ay sina Meryll, L.A., Marimonte, at Juamee.

Kilala ng lahat si Meryll Soriano dahil na din sa isa siya sa pinakamagaling na aktres sa telebisyon at pelikula bukod sa pamangkin siya ng 'Diamond Star' na si Maricel Soriano at anak siya ni Willie Revillame.

Pero napag-alaman ng KAMI na mayroon pa palang anak na babae ang 'Wowowin' TV host at ito nga ay si Marimonte Shanelle, ayon na din sa Facebook page ng huli.

Noong Father's Day ay binahagi ni Meryll ang picture nila kasama si Marimonte at Wille Revillame.

Sa naturang social media ni Marimonte nagshare din ito ng picture nilang magkakapatid kasama ang kanilang ama na nasa loob ng isang helicopter.

At makikita na lumaking isang magandang dalaga si Marimonte.

Ang nasa taas na picture ay isa sa mga unang litrato ni Marimonte kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Meryll.

Tila ang swerte ni Kuya Wil na mayroong mga magaganda at gwapong mga anak at pogi din na apo.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel