Naging emosyonal si Rufa Mae Quinto sa pag-alala sa kanyang Mommy Carol

Naging emosyonal si Rufa Mae Quinto sa pag-alala sa kanyang Mommy Carol

- Nagbalik-tanaw si Rufa Mae Quinto sa mga payo ng kanyang namayapang ina

- Natuto siyang maging hindi mapang-husga at matapang gaya ng sinabi sa kanya ng kanyang nanay

- Sobrang nami-miss niya ang ina dahil dito siya kumakapit sa tuwing siya'y may dinadaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal si Rufa Mae Quinto nang inalala ang mga payo at pangaral sa kanya ng namayapang ina na si Mommy Carol.

Sa kanyang interview sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento niya na ang isa sa mga payo na hindi niya malilimutan ay huwag manghusga at dapat marunong siyang magtiwala sa iba.

“Kasi noon natakot na ako kasi may mga friends na naging anu-ano yung experience sa buhay so sabi niya, hindi naman lahat ng tao ay mabait,” dagdag ni Quinto.

Pangalawang natutunan niya ay ang maging matapang siyang ina para sa kanyang anak na sinabi sa kanya ng ina noong nakita siyang umiyak dahil sa tuwa noong nabuntis siya.

“So magmula nun, hindi na ako umiyak kahit nane-nerbyos ako, natatakot ako. Tapos siya, o di ba ilan kami, kinaya niya lahat yun,” isanalaysay ni Rufa.

Mas lalong naluha si Rufa nang sinabing mananabik siya sa kanyang ina dahil wala na siyang ibang lalapitan tuwing mahina siya at tuwing lagi siyang may pinagdadaraanan.

“Kahit na wala siyang ibigay, kahit wala siyang sabihin… the fact na kasama mo lang yung nanay mo, basta making-kinig ka lang anong sabihin niya, may kuwenta man o wala… sumasaya ka rin ‘di ba tapos laban ka uli,” pahayag ni Rufa habang umiiyak.

Hindi daw nag-hirap ang kanyang nanay sa pagpanaw dahil pumikit lang ito sa kanyang pagkawala at doon nalaman ni Rufa na pwedeng mawala ang buhay ng tao kahit anong oras.

“Kaya sabi ko, kung ano man yung fear ko, syempre may anak na ko, marami akong gustong ibigay sa anak ko, yung mga pangarap na sana makuha ko… Hindi man niya nabigay lahat ng pera o ano, pero yung binuhay ka, binigyang buhay ka, yun lang ang tingnan natin,” sabi ni Rufa.

Binigyang diin rin ni Rufa sa kanyang panayam ang halaga ng pagpapasalamat.

Pumanaw ang nanay ni Rufa noong May 26, dalawang araw bago ang kaarawan ng komedyante.

Si Rufa Mae Quinto ay isang aktres, komedyante at TV host na mas kilala sa tawag na “Booba” at naging sikat sa kanyang katagang “todo na ‘to!” Si Rufa ay ikinasal noong 2016 sa financial analyst na si Trevor Magallanes at may isa nang anak na babae.

Aiming that #bodygoals? Wanna flaunt those curves? Dream no more! Get up and work that ideal body with our fitness challenge! Let fitness trainer Kezia help you with her one-month transformation challenge. It's never too late to join! Check for more videos and stories when you subscribe to BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong telecom modus na “robocalls”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel