Manolo Pedrosa, pinasilip ang kanyang buhay pagkatapos lisanin ang mundo ng showbiz

Manolo Pedrosa, pinasilip ang kanyang buhay pagkatapos lisanin ang mundo ng showbiz

- Dating PBB All In housemate Manolo Pedrosa, iba na ang mundong ginagalawan ngayon

- Manolo, ipinakita kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon

- Masaya ang dating PBB housemate sa kanyang buhay na malayo sa ilaw ng kamera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang dating PBB All In housemate na si Manolo Pedrosa ay isa na ngayong estudyante sa kolehiyo. Dati siyang napapanood sa mga palabas ng ABS-CBN ngunit mas pinili nitong iwan ang kinang ng showbiz at mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Ngayon, hindi lang estudyante si Manolo sa kolehiyo. Isa din itong traveler. Makikita sa kanyang Instagram posts ang mga lugar na kanya nang napuntahan sa tuwing siya ay may bakanteng oras at ibinahagi din niya sa kanyang Twitter account ang kanyang buhay bilang isang mag-aaral.

Unang nakilala si Manolo Pedrosa nang siya ay sumabak sa Pinoy Big Brother All In at naging isang housemate. Siya ay pinakilala bilang ang “Wonder Son ng Quezon City”. Marami ang nahumaling sa kanya dahil sa taglay nitong kagwapuhan at mala chinitong mata.

Pagkatapos sa PBB, pinasok na din niya ang mundo ng showbiz. Naging katambal niya ang ngayo’y aktres na si Mariz Racal ngunit nabuwag din ang kanilang love team.

Kahit wala sa showbiz si Manalo Pedrosa, masaya pa din ito sa buhay na meron siya ngayon.

Si Manolo Pedrosa ay isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother All In. Napabilang na din siya sa ibang TV shows gaya ng Oh My G! kasama si Janella Salvador na kung saan naipakita niya ang kanyang talent sap ag-arte. Ngayon, nag-aaral ng mabuti si Manolo na malayo sa kinagisnang buhay sa showbiz.

Nais mo bang malaman kung ano ang sikreto ni Sam sa kanyang pagpayat? Panuorin ang third week ng kanyang Fitness Challenge upang makita kung ano nga ba ang mga ginawa niya. Upang makakuha ng mga bagong balita, viral videos, nakakatuwa at nakakabagbag damdaming kwento, huwag ng umalis sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel