Top 9! International at local celebrities na nabighani kay Liza Soberano

Top 9! International at local celebrities na nabighani kay Liza Soberano

- Kung ikaw lang naman ay tinanghal na isa sa may pinakamagandang mukha sa buong mundo ay tiyak naman talaga na marami ang magkakagusto sayo at mabibighani sa ganda mo.

- Ito na nga ang nangyari sa magandang aktres na gaganap na Darna na si Liza Soberano dahil maraming international at local na mga gwapong arista na tila nabighani sa ganda nya.

- Inilista ng 'Trendy Feed' ang nasabing international at local na celebrities na nagkakagusto sa Kapamilya aktres sa 'Bagani.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ay ang babaeng tila nakakuha ng lahat ng puso ng mga lalaki na nakakakita ng kanyang mukha.

Hindi ito nakakagulat dahil nga ang kagandahan ni Liza ay hindi lamang kinikilala sa ating bansa kung hindi pati ang mga international na mga gwapong mga lalaki ang nagpahayag na sa kanilang pagkahumaling sa magandang aktres.

Ayon sa nakuha ng KAMI na impormasyon, ang mga personalidad na ito ay ginamit ang social media upang maihatid ang kanilang gusto kay Liza Soberano.

Madami na din ang gumagamit sa 'Twitter' o 'Instagram' bilang isang uri ng pagsocialize at pagcommunicate lalo na sa mga malalayo na mga hinahangaan at tagahanga.

Ito daw ang mga listahan ng mga personalidad na nakapansin sa ganda o gusto makapagtrabaho kasama ang aktres.

9. James McVey

Si James McVey ay gitarista ng British band na 'The Vamps' at talaga namang binahagi ang kanyang paghanga kay Liza sa post na ito sa taas.

At inulit pa niya ito gamit ang litrato sa taas.

8. Charlie Puth

Ang sikat na American singer at composer ay tinanong lang naman si Liza Soberano sa 'Twitter' kung manonood ba ng concert nya.

Pero sinagot din naman ito ni Liza na hindi siya makakarating.

7. The Chainsmokers

Ang kumanta ng napakasikat na kanta na 'Closer' ay nagtweet naman ng nakakaaliw na message para kay Liza Soberano na makikita sa taas.

6. Justin Bieber

Hindi man nagtweet o nagsend na kahit anong mensahe si Justin Bieber pero nag-follow naman ito kay Liza Soberano.

5. Piolo Pascual

Sa 'Gandang Gabi Vice' ay tinanong si Papa P ni Vice kung may crush ba daw siya kay Liza at ang sabi naman nya ay nagagandahan talaga siya sa huli.

4. Sam Milby

Sa video sa itaas, sinagot ni Sam Milby ang tanong ng isang 'Twitter' fan kung sino daw ang pinakamagandang teen actress ngayon.

Skip sa 2:15 para makita mo ang tanong at sagot ni Sam.

3. Coco Martin

Hindi man inamin ni Coco na crush niya si Liza pero sinabi daw ng aktor na gusto niya makatrabaho ang magandang aktres.

2. Tanner Mata

Sa 0:33 timestamp, inamin ni Tanner Mata na pinaka-sexy na babae para sa kanya si Liza Soberano.

1. Enrique Gil

Tila hindi lang ito crush dahil sa laman ng mga captions ng dalawa ay talaga namang masasabi nating sila nga siguro.

At si Enrique Gil naman talaga ang nagwagi sa puso ni Liza.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Mapapanood si Liza ngayon sa pinakabagong fantasy series ng ABS-CBN na ‘Bagani’ katambal ang kanyang love team na si Enrique Gil, ito ay unang umere sa telebisyon noong March 5.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel