Residente ng Boracay, binigyan ng relief goods na kinakalawang at may insekto

Residente ng Boracay, binigyan ng relief goods na kinakalawang at may insekto

- Napalitan ng pagka dismaya ang kasiyahan ng mga residente ng Barangay Balabag sa Boracay

- Ito ay matapos matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, bumubula na ang mga laman nito

- Ito ay ayon sa ilang residenteng nakatanggap ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa halip na mabusog ay naitapon na lamang ng ilang residente ng Barangay Balabag sa Boracay ang natanggap na relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan dahil sa ilan sa mga ito ay kinalawang na at bumubula ang laman.

Pati ang ibinigay na bigas ay may kasama pa diumanong insekto at bumubula naman ang sardinas na natanggap ni Ester Bendola.

Ayon sa kanya, magluluto sana siya ng pananghalian ngunit nang binuksan niya ang delatang sardinas at meat loaf nakita niyang ito ay umiitim na at bumubula.

Residente ng Boracay, binigyan ng relief goods na kinakalawang at may insekto

Image courtesy of Ester Bendola via ABS-CBN News

Residente ng Boracay, binigyan ng relief goods na kinakalawang at may insekto

Image courtesy of Ester Bendola via ABS-CBN News

"Sana nasa mabuting kundisyon naman ang ibinigay nilang goods, kawawa naman kami. Paano kung yung mga bata ang nakabukas?" saad niya.

Dagdag pa ni Bendola, 2020 naman ang nakalagay na expiration date ng mga delata kaya nagtaka ito kung bakit panis na ang laman.

Ayon naman sa administration chief ng DSWD sa Western Visayas na si a Leo Guintilla, , posibleng nagka-leakage at nakontamina ang mga delata at bigas habang dinadala patungong Boracay.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN hindi rin nila itinangging may kakulangan nga sila sa pag monitor ng hauling ng mga relief goods.

Pinalitan naman nila agad ang mga nireklamong relief goods mula sa 8 residente.

Dahil umano sa insidente ay mas magiging maingat at mapanuri ang ahensiya sa ibinibigay na relief goods bago ipamigay sa mga sususnod na benepesyaryo.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel