Wag ganyan! Anne Curtis galit sa mga namimirata ng kanyang pelikulang 'Sid & Aya'

Wag ganyan! Anne Curtis galit sa mga namimirata ng kanyang pelikulang 'Sid & Aya'

- "Sana maguilty kayo" ang sigaw ni Anne Curtis sa 'Twitter' page niya dahil napag-alaman niya umano na may mga Facebook users ang nag-uupload sa 'Sid & Aya' movie niya at ni Dingdong Dantes.

- Ginamit nya ang kanyang social media account na may milyon-milyong followers para isawalat ang nasabing pamimirata.

- Nagpasalamat ang 'It's Showtime' TV host dahil daw sa mga Facebook users na nagshare at nag-upload ay madali na lang ito na inireport ng 'Viva Films'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinihagi ng 'Fashion Pulis' ang 'Twitter' post ni Anne Curtis kamakailan lang dahil nga sa illegal na pag-uupload ng kanilang movie ni Dingdong Dantes na ang 'Sid & Aya' na under sa 'Viva Films.'

Umabot na nga ito ng libo-libong likes at daan-daang retweets at komento galing din sa milyon-milyong fans ni Anne Curtis.

Wala na lang ibang sinabi ang huli kung hindi ang

"Sana maguilty kayo. (angry face emoji)"

Pagkatapos na nang-uuyam o sarcastic na pagsasalamat sa nga Facebook users na illegal na nag-upload din sa kanilang pelikula dahil dito ay madali na lang nai-report ng 'Viva Films' ang nasabing sitwasyon.

Ayon sa napag-alaman ng KAMI, ang pelikulang 'Sid&Aya' ay tumabo sa takilya ng 160 million pesos sa 3rd blockbuster week nito sa Pinas.

Nagbigay din ng ilang komento ang kanyang mga followers

"Oo nga po ate anne may nakita din po ako sa FB kanina..."
"May mga tao po kase na hindi afford ang movie"
"So these people resort to piracy and copyright infringement? Does being broke warrant such action?"
"Naman. How can we have great films like sid & aya if we support piracy"

Si Anne Curtis ay makikita ngayon sa 'It's Showtime' bilang isa sa mga host ng noontime show ng Kapamilya network.

Unang nakilala ang aktres sa 'T.G.I.S.' sa Kapuso network pero lumipat kalaunan sa 'ABS-CBN' at ngayon isa sa pinakakilala at sika na aktres ng bansa at siya din ay isa sa may pinakamarami na social media followers.

Sa iba pang mga bagay, dahil pinag-uusapan natin ang mga tatay o mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel