Maine Mendoza, pinikon ang maraming netizens matapos gayahin ang pag-iyak ng 'Sugod Bahay' contestant na namatayan ng anak

Maine Mendoza, pinikon ang maraming netizens matapos gayahin ang pag-iyak ng 'Sugod Bahay' contestant na namatayan ng anak

- Trending ngayon ang isang episode ng Sugod Bahay sa 'Eat Bulaga' kamakailan lang

- Ito ay matapos na gayahin ni Maine Mendoza ang pag-iyak ng isang contestant na namatayan ng anak

- Binatikos siya ng maraming netizens dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang ginawa ni Maine Mendoza sa isang episode ng Sugod Bahay sa Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na ini-interview nila Maine, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros ang isang contestant na taga-Bulacan ng mapansin ito ng mga netizens.

Umiiyak kasi ang nasabing contestant dahil namatay ang anak nito at sinabing, "Opo. Sobra pong tuwa dahil mapapalibing ko na ang anak ko. Makakabayad pa po sa funeraria."

Matapos sabihin ito ng contestant ay ginaya ni Maine ang sinabi niya pati ang pag-hikbi nito.

May isang nag-tweet kay Maine at tinatanong siya bakit niya ito ginawa, "Bakit ganon idol? Ginawa mong biro yung pinagdadaanan ni ate?"

Sumagot si Maine at nagpaliwanag na hindi raw nila naintindihan ang sinasabi ng contestant.

"Nakikiramay po kami kay ate. Hindi po namin alam nung una na ganun pala ang pinagdadaanan niya bilang hindi po namin naintindihan yung una niyang sinabi," sabi ni Maine sa Twitter.

Watch the video below:

Marami talaga ang hindi natuwa sa inasal ni Maine. Hindi naman daw lahat dapat gawing kakatawanan lalo pa't maselan ang pinagdadaanan ng contestant. Imposible rin daw na hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil napaka-linaw naman daw.

Read some of the comments from netizens below:

"Parang tanga naman tong Mengay na to, namatayan na nga, ginawa pang parody yung pag-iyak nung babae."

"I find this part so insensitive knowing that the sugod bahay winner's son/daughter(not sure) just recently died and they still continue this sick joke of replicating her emotions on what she felt during that moment. You guys are so inconsiderate."

"I find it bastos. Kahit pa hindi sensitive yung sinabi ni ate habang umiiyak, mimicking a person like that is bastos"

"Umiiyak na nga tapos she mocked it pa. Ano naman di nya naintindihan yung pinag dadaanan eh umiiyak nga. Lame excuse"

"kala ko pa naman mabait...hindi ko akalain na pati pag-iyak ng namatayan ay nakukuhang gayahin sa halip na kaawaan..."

"namatayan yun babae kaya umiiyak, tapos ginagaya pa yung pag iyak nya..sobra naman...., ang jokes nilulugar din...nakakaawa naman si ate..."

Meron din namang mga nagtanggol kay Maine at nag-sorry naman na daw ito at mag-move on na raw lahat.

"dont take it seriously thats part of the show atleast they help her jow abt.u u keep on commenting"

"Nagsorry na si maine sa twitter. Halata naman na di nya sinasadya kita naman sa reactions ni maine."

"Kung daily viewer kayo ng eat bulaga lagi yan ginagawa sa mga umiiyak na nabubunot,,,although sa umpisa yes ginawa nila joke pero ng maabsorb niya nangyari nag stop na sya. ..pwede sya ibash kung hanggang dulo ng segment ganyan ginawa nya.."

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz. Isa siya sa mga primerang talent ng GMA. Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza. Naging sikat na vlogger si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos. Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza here

Can you help me cheat? That is the question we’re going to ask during our new social experiment. Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? And what do you think other people did, when heard “Can you help me cheat?”

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel