Nakakagulantang! Jay Sonza nagpangalan ng mga personalidad sa news na diumano'y "bastos"

Nakakagulantang! Jay Sonza nagpangalan ng mga personalidad sa news na diumano'y "bastos"

- Nakakagulat talaga na nagbitiw ang beteranong newscaster at talk show host na si Jay Sonza ng mga pangalan ng mga personalidad sa news na, ayon sa kanya, ay diumano'y "walang modo" at "bastos."

- Dagdag pa ng beteranong newscaster at talk show host sa isang Facebook post niya kahapon ng umaga, June 18, 2018, na ang mga ito daw ay ang "mga bagong sibol na mga reporter/anchor sa radyo at telebisyon" na diumano'y "may pinag-aralang nasabi pero walang breeding at mababaw o walang depth o hindi aral sa mga isyu."

- Kakawindang talaga! Pinangalanan niya ang mga kilala at sikat na mga personalidad gaya nina Joseph Morong, Kara David, Joel Zobel, Arnold Clavio, Alvin Elchico, Zen Hernandez, Karen Davila, Ed Lingao, Lourd De Vera, at iba pa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nasabing post ay nakakuha ng mahigit sa tatlong libo na reaksyon at daan-daang komento at shares galing sa mga netizens o Facebook users.

Unang naispatan namin ang naturang nakakagulantang na Facebook post ni Jay Sonza sa 'MSN News,' na orihinal naman na unang lumabas sa 'DailyPedia.'

Nakita din ng KAMI ang nasabing post ng beteranong newscaster at TV host.

Nakakagulantang! Jay Sonza nagpangalan ng mga personalidad sa news na diumano'y "bastos"

Credit: Facebook/Jay Sonza

Ang ibang mga netizens ay matapang din na nagkokomento at tila sumasangyon din sa beteranong newscaster at talk show host.

Tingnan ang orihinal na post galing sa Facebook page ni Jay Sonza

Si Jay Sonza ay mag 63 years old na ngayong September 20 na matagal nakapareha ni Mel Tiangco sa talk show na 'Mel & Jay' na nagsimula sa 'ABS-CBN' na pumunta sa 'DZMM' at hanggang lumipat sila sa 'GMA Network' na pinangalanan nila na 'Partners Mel and Jay.'

Ngayon, siya ang present station manager ng 'terrestrial television station' na 'UNTV 37' na pinagmamay-ari ng kanyang former co-host na si Daniel Razon, ayon sa nakuhang naming impormasyon sa 'Wikipedia.'

At dahil pinag-uusapan na natin ngayon ang mga lalaki lalo na sa araw ng mga tatay, araw ng mga mister, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel