Hinahangaan ng mga netizens ang isang saleslady dahil sa kanyang kabutihang puso na ginawa

Hinahangaan ng mga netizens ang isang saleslady dahil sa kanyang kabutihang puso na ginawa

- Ang saleslady na ito sa isang 'Oppo' store ay nagviral na ngayon dahil sa kabutihang loob na ginawa niya sa isang customer na hindi daw inintindi ng ibang tindahan dahil madumi at mabaho daw.

- Pinost ito ng naturang saleslady dahil gusto lang niya ipakita sa lahat na proud daw siya na ang customer na ito ang kanyang una na mademohan nya sa araw na iyon.

- Napukaw daw ang kanyang damdamin sa customer dahil sa kabila ng hirap ng trabaho na pinagdadaanan nya ay smiling pa rin daw ito at napakapositibo sa buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nasabing saleslady ay si Pinky Baylosis ayon sa Facebook post niya na una naming naispatan namin sa 'Readers Portal Today.'

At nakita ng KAMI ang nasabing post na umabot na ngayon ng libo-libong reaksyon, shares, at comments sa social media.

Sa caption ay binahagi ni Pinky na sinabi pa daw ng customer na pasensya umano dahil ang pera nya ang tig 100 pesos at 50 pesos habang nagbibilang sila.

Ayon pa daw sa naturang lalaki, sweldo daw niya iyon at inipon daw niya iyon kaya happy naman ang saleslady na nakuha ng kuya ang kanyang bagong phone at sinabi pa ni Pinky na:

"Hard work pays off"

At tama nga naman, dahil dito ilang mga netizens ang hindi napigilang magpost dahil namangha at natuwa sa ginawa ng saleslady.

"As in.. ! So kind and pretty pinky gyud (emoji) God bless you more!"
"mka proud ka mAam ay. ang uban ga lntw lang sa physical wala sila kblo ang uban ana puro porma lang mao pa diay to wala kwrta ("nakakaproud ka maam. Ang iba tumingin lang sa physical hindi nila alam na ang ibang tao ay puro porma lang at iyon naman ang mga walang pera")"
"Huwag mong husgahan ang tao sa sout lng .. baka yan ang tao na mas mayaman pa sa inyo"

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel