Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

- Ang reyna sa daytime action-drama series na 'Asintado' na si Julia Montes na gumaganap bilang Ana ay ibinahagi ang 'one and only king sa buhay nya.

- At sa bagong Instagram post nito ay shinare ang litrato ng nasabing king nya at sinabi pang wala daw siya ibang mamahaling lalaki na kagaya ng pagmamahal niya nito.

- Ito ay walang iba kung hindi ang kanyang daddy na si Martin Schnittka at dahil dito tingnan natin ang ilang mga snaps ng mag-ama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kagaya ng kanyang role sa drama series na 'Asintado,' hindi takot at nahihiya si Julia Montes na ipakita sa lahat ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya.

Lalo na ang kanyang biological dad na kamakailan lang ay nakilala niya at talaga namang vocal ang aktres tungkol sa kaligayahan na pagkakilala at pagkikita niya sa kanyang ama.

Dati sambit ng magandang aktres na magiging kompleto lang daw ang buhay niya pagmakikilala niya ang kanyang totoong ama.

Ayon sa paniniwala ni Juliay, hindi daw siya magiging siya ngayon kung ang mga bagay ay hindi mangyayari kung paano ito ginawa.

Nalaman din ng KAMI na ang 'Asintado' aktres ay sinilang bilang Mara Schnittka at sa pagbisita niya sa 'Magandang Buhay' kung saan binahagi niya sa mga momshie hosts na sina Jolina Magdangal, Melai, at Queen Mother Karla Estrada na ang kaniyang ama na isang German na ang pangalan ay Martin Schnittka ay ilang ulit na humingi ng tawad sa kanay nang nagkita sila noong December ng 2016.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Nagkita daw ang dalawa sa isang restaurant sa may Cubao, Quezon City at ibinihagi nga ng aktres sa kanyang Instagram ang pagkikita nila at sinulatan pa ito ng nakakaiyak na caption ng pasasalamat sa kanyang mga followers, mga kaibigan, at isa sa kanyang mga pinsan.

Binahagi din ni Julia Montes na hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang biological dad kahit na iniwan sya nito sa kanyang ina nang bata pa siya.

Pinalaki daw siya ng kanyang ina at lola na talagang close sa kanya.

Dahil pinag-uusapan natin ang mga tatay at mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel