Todo suporta si Robin Padilla sa pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez sa 'It's Showtime'

Todo suporta si Robin Padilla sa pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez sa 'It's Showtime'

- Ibinahagi ng 'Push' ang pagbabalik telebisyon ni Mariel Rodriguez sa noontime show ng Kapamilya network na 'It's Showtime.'

- Talaga namang proud na proud si Binoy at todo suporta sa sa asawa nitong si Mariel dahil nagbalik na nga ang TV host sa 'ABS-CBN' show.

- Excited naman ang misis ng 'Sana Dalawa Ang Puso' aktor sa pagbabalik not sa nasabing programa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinag-uusapan nga ngayon ang pagbabalik ng isang host sa 'It's Showtime' at ito ay walang iba kung hindi si Mariel Rodriguez at isa sa pinakamasaya at todo ang suporta ay ang mister nito na si Robin Padilla.

Napag-alaman ng KAMI na masaya daw si Robin dahil masaya ang misis niya na si Mariel.

Sa naganap na set visit ng media outlet, ang source ng balitang ito, sa 'Sana Dalawa Ang Puso' kung saan isa si Binoy ang bida ay naitanong daw nila ang pagbabalik ng asawa nito sa hosting job sa telebisyon.

At ayon naman sa aktor, excited daw si Mariel dito at saad pa niya:

"Kapay masaya ang asawa ko, masaya ako."

Sambit pa ni Binoy:

“Sa sitwasyon namin ngayon na matanda na ako, bata pa siya (laughs) kailangan ako ang maintindihin yung pagbabalik niya (sa hosting) iba ang binibigay na kasiyahan na iyan sa asawa ko."

Tinanong din daw nila si Robin Padilla tungkol sa baby number two at ayon naman sa aktor ay gusto muna nila i-enjoy si Baby Isabella para din daw healthy at matutukan ng husto ang paglaki ng kanilang anak.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang

Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang

Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel