'Nothing is impossible' sa masipag at matalinong Pinay summa 'cumlaude' sa US

'Nothing is impossible' sa masipag at matalinong Pinay summa 'cumlaude' sa US

- Bumilib ang taong bayan sa isang Filipina na nasa Amerika ngayon dahil nagtapos lang naman ito ng summa 'cumlaude' sa 'University of California' o 'UCLA' sa Los Angeles.

- Madaling naispatan ng 'PhilStar' ang nasabing post ng isang netizen na nagngangalang Patricia Bunda sa Facebook.

- Ang post ay litrato nya na naka graduation outfit na may dala-dalang mga balloons pero ang nasa caption nya ang talagang mawiwindang ka sa bilib.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang Pinay na si Patricia Bunda ay nagshare sa kanyang Facebook page ang isang masarap na tagumpay pero di birong pagsisikap ang kanyang pinagdaanan.

Nagtapos siya ng 'Bachelor of Science in Molecular, Cell, and Developmental Biology, Minor in Biomedical Research' sa UCLA.

At hindi ka lang diyan mamamangha kay Patricia dahil nakamit lang naman niya ang pinakamataas na parangal o honor sa akademya.

Nabasa ng KAMI ang kanyang matamis at nakakahangang pagsasalaysay sa pagtupad ng kanya mga pangarap na naging totoo.

Inabot lang naman siya ng pitong taon at tatlong paaralan sa dalawang bansa para lang makuha ang inaasam-asam na degree.

Nag-umpisa ang kanyang salaysasy sa pagbalik tanaw sa nakaraan.

“As a kid, one of my biggest dreams was to graduate from the best university in the Philippines, but by God’s grace and favor, today, I graduated from one of the best universities in the world. It took me 7 years, 3 schools, in 2 countries to get my degree, definitely not the traditional route. But if I were to do it again, I would not change it one bit."

Pero plano niyang kumuha ng 'MD-PhD' degree dahil pagkatapos daw ay babalik sya sa sa kanyang sariling bansa upang makatulong na linangin ang larangan ng pananaliksik.

"Although it seems like this achievement is a good way to end a story, my journey as a student is far from over. I am hoping to pursue an MD-PhD degree and eventually return to my home country to help cultivate its research field. "

At siya din ay umaaasa na isang araw ang kanyang kwento ay magbibigay inspirasyon sa iba para mas maraming mga estudyanteng Pinoy ang mag-aral ng karera sa pananaliksik at mapagtanto ang kanilang potensyal bilang mga siyentipiko sa hinaharap na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa lipunan.

"I hope that someday my story will inspire more Filipino students to pursue careers in research and realize their potential as future scientists who can make a big impact in society.”

Sa huli ay nagpasalamat sya sa panginoon dahil sa grasya at gabay na binigay niya sa kanya ay natupad ni Patricia Bunda ang matamis niyang pangarap.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel