China Cojuangco, nireport ang isang netizen na nagsabing angsarap isako ang anak niyang 4 na taong gulang

China Cojuangco, nireport ang isang netizen na nagsabing angsarap isako ang anak niyang 4 na taong gulang

- Inireklamo ni China Cojuanco ang isang Instagram user dahil sa mensahe nitong maiuturing na “threat, cyberbullying even to the extent of kidnapping"

- Nag message umano itong netizen sa kanya nang minsang magpost siya ng larawan ng anak sa kanyang Instagram Story

- Ipinost ni China ang kanyang open letter laban sa netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinabahala ni China Cojuanco ang threat ng isang netizen nang magpost ito ng picture ng kanyang 4 na taong gulang na anak sa Instagram Story.

Ayon kay China maituturing na “threat, cyberbullying even to the extent of kidnapping,” ang naging mensahe ng Instagram user kaya inireklamo niya ito sa pamunuan ng Instagram.

Ipinost ni China ang kanyang open letter laban sa netizen nitong Linggo, June 17.

Ibinahagi nito ang screenshots ng palitan ng message sa pagitan nila ng netizen.

Sa comments section ay isang netizen ang nag-iwan ng nakakabahalang mensahe:

“Cute sarap isilid sa sako tapos tapon ilog makaganti naman sa cojuangco just kidding love you I love your baby so adorable.”

Sinundan niya ito ng, “I love your dad because he is my favourite cojuangco.”

Ipinahayag naman ni China ang pagkabahala nito sa reply niya sa comment ng netizen.

“Sorry ha, pero offensive yung message mo kahit sinubukan mong bawiin. Kung gusto mo makaganti sa COJUANGCO huwag mong idamay ang anak ko.”

Sa kanyang open letter ibinahagi ni China na kahit mga kaibigan at kapamilya niya y nabahala sa nasabing mensahe.

“Many of my friends and followers have been furious sending me PM’s of their concerns and have tried to report this account but to no avail, have been rejected. (3rd photo is an example of your reply).

“I unfortunately cannot report nor do such actions because she immediately blocked me after my reply...

Isinalin pa nito sa salitang English ang mensahe upang mas maintindihan ng pamunuan ng Instagram.

“If in your case, you do not see such abusive content - as i can translate to english: CUTE I WOULD LOVE TO PUT HER IN A SACK AND THROW HER IN THE RIVER... pertaining to my 4 year old daughter.”

“I would personally take this as a threat, cyber bullying even to the extent of kidnapping.

“It would be of great help and appreiation if you look into this case. I do not wish for anyone saying that i am over reacting - but if this involves my innocent daughter - then i will take action.

“Praying and hoping that you would too...”

Si China ay isa sa limang anak ni Jose "Peping" Cojuangco Jr. sa socialite at dati ring congresswoman na si Tingting Cojuangco.

Nakababatang kapatid ni yumaong Pangulong Corazon "Cory" Aquino ang ama ni China na si Peping.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

https://www.youtube.com/channel/UCJQS8oMQhWqhbkhIsBBytcQ

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel