Minsang nasabihang 'bobo', nakapagtapos na ng 3 kurso sa loob ng limang taon

Minsang nasabihang 'bobo', nakapagtapos na ng 3 kurso sa loob ng limang taon

- Minsang nasabihang 'bobo' sa pag-aakalang nagtatagal siya sa kolehiyo ng 5 taon.

- Napagsabay-sabay ni Wynona Pauline Catapang ang tatlong kurso sa loob ng limang taon sa kolehiyo

- Nag-viral ang kanyang post na umabot na sa 28k na reaksyon, 35, 207 shares at 1.2k na mga komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang post ng isang bagong graduate na si Wynona Pauline Catapang kung saan kinaya niyang pagsabay sabaying tapusin ang tatlong kurso sa loob ng limang taon.

Nalaman ng KAMI na di naging madali para kay Wynona ang lahat, lalo na at minsang naakusahan siyang bobo dahil sa pagtatagal niya ng limang taon sa kolehiyo.

Matindi ang sakripisyo na dinanas ni Wynona dahil pinanindigan niya talaga ang kanyang pinasok.

Nasabihan din siyang 'ambisyosa' at wala pa raw napapatunayan pero di siya pinanghinaan ng loob sa mga ito bagkus, mas lalo pa niyang pinagbuti ang kanyang pag-aaral.

Dumating din sa punto na nagkakasabay ang mga importanteng gawain ng kanyang mga kurso.

Inamin din ni Wynona na minsan na siyang pinanghinaan ng loob sa dami ng kailangan niyang gawin sa bawat klase na kanyang dapat pasukan.

Minsan naitanong din niya sa sarili niya kung worth it ba lahat ng kanyang paghihirap dahil na rin sa grado na kailangan niyang makamit.

Kinuha niya ang Bachelor of Arts in Mass Communication minor in Development Communication, Bachelor of Science in Psychology at Bachelor of Arts in Guidance and Counseling ng sabay sabay.

Samantala, bumaha ng magagandang komento ang post na ito ni Wynona.

Narito ang kabuuan ng kanyang post na nakuha ng KAMI mula sa Facebook.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel